Ayen Munji-Laurel's estafa case against Martin Nievera's father still ongoing

IMAGE 0


Singer-stage actress Ayen Munji-Laurel has just signed an exclusive contract with GMA Artist Center. Ayen says she is also very keen to try acting on television since she has also a background in theater acting.



Nagpapasalamat si Ayen Munji- Laurel sa GMA Artist Center (GMAAC) dahil sa pagtitiwala nila sa kanyang kakayahan.



Naging resident judge si Ayen ng Popstar Kids, ang singing contest ng QTV 11 para sa mga bata, at ito ang naging daan para mapansin siya ng Kapuso network.



Contract star na si Ayen ng GMAAC. Mula nang pumirma siya ng kontrata, sunud-sunod ang TV guestings ni Ayen kaya sobra ang pasasalamat niya sa GMA-7 people.



Mas nakilala si Ayen bilang singer. Iilan ang nakakaalam na nag-umpisa siya bilang stage actress.



Marunong umarte si Ayen kaya payag ito na gumanap na nanay sa mga TV series ng GMA-7 dahil sa tunay na buhay ay 16 years old na ang kanyang panganay na anak. Malalaki na ang tatlong anak ni Ayen at ng asawang si Franco Laurel—five years old na ang kanilang bunso—kaya may oras na siya para harapin ang kanyang showbiz career.



Isa si Ayen sa mga investor ng Country Waffles Restaurant na pag-aari ng mag-asawang Bert at Carol Nievera.



Estafa ang kaso na isinampa ni Ayen at ng ibang investors laban sa mag-asawa na tumakas papunta sa Amerika nang bumagsak ang kanilang restaurant business noong 2004. Nag-invest ng malaking pera ang nanay ni Ayen sa branch ng Country Waffles sa Alabang na hindi naman nagbukas.



Nang kumustahin ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal) ang status ng kanyang demanda laban sa ama ni Martin Nievera, sinabi ni Ayen na tuloy pa rin ang kaso.



Tanggap ni Ayen na matatagalan pa ang pagdinig sa kaso dahil nasa Amerika na nga si Bert at U.S. citizen din ito.



Just recently, nagpunta si Ayen sa Las Vegas para magbakasyon. Nakita raw niya si Bert pero hindi nito napansin ang kanyang presence.

"Nagpapasarap sa Amerika," ang sinabi ni Ayen tungkol sa beteranong singer na tinakasan ang milyun-milyong utang mula sa mga kawaawang investor ng Country Waffles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN