Joey de Leon takes leave of absence from "Startalk," hurt by MTRCB Chair's threat

IMAGE 0


Joey de Leon takes an indefinite leave of absence from his Saturday showbiz talk show, offended by threat of suspension made by Chair Consoliza Laguardia of MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).


Walang katiyakan kung kailan babalik sa Startalk si Joey de Leon dahil nasaktan ito sa latest move ni Consoliza Laguardia, Chair ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Ipinatawag ni Laguardia sa MTRCB office noong Huwebes, September 13, ang mga representatives ng Startalk dahil hindi niya nagustuhan ang patuloy na paglalabas ng naturang programa ng mga kuwento tungkol sa feud nina Joey at Willie Revillame.

Matatandaang pumasok sa issue ang MTRCB noong August 31 at nakipagpulong sa dalawang hosts para matigil ang alitan ng mga ito, na napapanood ng madla sa telebisyon. Nagbitaw si Willie ng apology noong September 4, pero hindi ito tinanggap ni Joey.

Sinabi ni Joey sa Startalk noong September 8 na hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga pahayag ni Willie laban sa kanya.

Ani Joey, "Ang hiniling ko talaga kumpleto. Kung napanood n'yo, sabi ko, gagawin niya uli yung sinabi niya kaya lang kabaligtaran. Wala nang pag-akusa at hiniling ko talaga na meron ding dalawang nakatayo dito na dalawang co-hosts na umiiyak. Seryoso ako nun..."

Dagdag pa niya, "Kailangan gawin n'yo yun. Alam ko baka maging katawa-katawa sa iba, pero seryoso ako dun. Pag ginawa n'yo ‘yon, wala na, palalagpasin ko na lahat ng nasabi n'yo kahit nasiraan na ako sa iba ng pangalan."

Sa naturang interview, binaggit rin ng Eat Bulaga host na baka magalit uli sa kanya ang MTRCB. At nagdilang-anghel siya.

Diumano, nagsalita si Chair Laguardia na papatawan niya ng parusang suspension ang Startalk kapag muli itong naglabas ng anumang interbyu ni Joey tungkol sa hidwaan nila ng Wowowee host.

Noong Sabado, September 15, isang sulat ang ipinadala ni Joey sa staff ng Startalk. Nakasaad dito ang kanyang indefinite leave of absence sa talk show.

Ikinalungkot ng staff ang desisyon ni Joey pero mas ikinalungkot ng mga hosts na sina Lolit Solis, Butch Francisco, at Lorna Tolentino ang ipinahayag ni Laguardia na sususpendihin nito ang kanilang show kapag ininterbyu pa nila si Joey ukol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Lolit, na minsang sinuspinde ni Laguardia dahil sa pagsasabi ng salitang "puwerta" sa ere, ang pinaka-vocal sa pagsasalita. Masamang-masama ang loob niya kay Laguardia dahil sinasaklawan raw nito ang freedom of speech at freedom of expression.

Ang pahayag ng beteranang manager, "Nagkamali ako noon kaya tinanggap ko ang suspension ng MTRCB pero hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa ni Laguardia. Walang violation na ginagawa ang Startalk. Bakit siya magbabanta ng suspension? Ganoon lang ba kadali 'yon?

"Hindi ako natatakot na sabihin ang aking opinyon at lalong hindi ako natatakot na muli niya akong suspendihin dahil sa pagsasalita ko ng katotohanan. Hindi rin ako worried na baka hindi na niya ako bigyan ng MTRCB Deputy Card dahil ginagamit ko lang naman ito kapag nakikiihi ako sa mga sinehan!"

Maging ang ilan sa MTRCB employees ay dismayado raw sa concern na ipinakikita ni Chair Laguardia sa feud nina Joey at Willie.

Ayon sa kanila, ginagamit marahil ni Laguardia ang isyu dahil kailangan niya ng positive publicity para muli siyang ma-reappoint bilang MTRCB Chair.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN