Jay Manalo talks about gambling and being a provider

IMAGE 0


"Inaamin ko naman na may mga pagkakataon na hindi ako nakakapagbigay agad. Pero nagagawan ko ng paraan," says Jay Manalo about his financial obligation to his children.



Hindi naging problema kay Jay Manalo ang pagtanggap ng villain role bilang Drigo sa Zaido: Pulis Pangkalawakan. Naniniwala si Jay na hindi dapat tanggihan ang anumang trabahong dumarating sa ngayon. Natutuwa nga siya at naku-consider pa siyang kunin para sa isang TV show.



"Ang sa akin lang naman, basta may trabaho, kahit ano pa ‘yan, bida or kontrabida, pare-pareho lang," rason ni Jay nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Zaido noong Lunes, September 17, sa GMA Network.

"Nasa pagdadala mo naman ‘yan, e. Ako, kapag binigyan ako ng role, pinag-aaralan kong mabuti. Ayoko naman na basta na lang ako umarte. Siyempre, nandoon yung tiwala ng kumuha sa iyo na kaya mong gampanan nang maayos ang role mo. Nakakahiya naman kung basta ko lang gagawin na hindi ko pinag-aaralan, di ba?" paliwanag niya.



Bago itong Zaido ay huling napanood si Jay sa soap drama na Bakekang sa bakuran din ng GMA-7. Matagal ding nabakante si Jay dahil na rin sa tsismis na nalulong daw siya sa pagsusugal.



Nilinaw ni Jay na walang katotohanan na limpak-limpak na pera na ang naubos niya dahil sa bisyong ito.



"Nakakatawa nga kasi sobra naman ang pagkakasulat tungkol doon. Hindi naman siguro ako baliw o sira na ubusin ang mga pinaghirapan kong pera sa sugal lang," sabi ni Jay.

"Aaminin ko na nahiligan ko ang ganun, pero hindi ako dumating sa point na nangungutang na ako o nagbebenta na ako ng mga personal kong gamit para makapagsugal pa. Walang ganun. Sobrang exaggeration ‘yon."



Nakarating din kay Jay ang balitang hindi na raw niya nasusustentuhan ang mga anak niya dahil sa pagsusugal. Nilinaw ni Jay na naaasikaso naman niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak, pero may mga pagkakataon na pumapalya siya.



"Inaamin ko naman na may mga pagkakataon na hindi ako nakakapagbigay agad. Pero nagagawan ko ng paraan. Isa nga sa importante sa akin ay ang pag-aaral ng mga anak ko. Marami sila kaya kailangan ko talagang kumayod nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Minsan kasi nalilito ako lalo kapag sabay-sabay ang enrollment nila o ang paghingi ng allowance. Akala ko minsan nabigyan ko na, kaya nakakalimutan ko. Ang maganda naman kasi ay naaayos ko agad. Wala naman akong anak na nagagalit sa akin. Yung mga nanay nila ang mas nagagalit kesa sa mga anak!" sabay tawa ni Jay.



Ngayon ay seryoso na raw ulit si Jay sa pagtrabaho at malaki ang pasasalamat niya sa GMA-7 at nabigyan siya ulit ng pagkakataong lumabas sa isang malaking telefantasya.



"Alam ko na may mga ibang choices sila to play Drigo pero ako pa rin ang napili nila. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa GMA-7 kasi pinagkatiwalaan nila ako ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN