Eric Quizon takes a break from directing to concentrate on acting

IMAGE 0


"Ang problema ko, the moment nagdirek ka ng soap, it's like you're tied to the project. Dapat i-commit mo ang sarili mo sa trabaho, pero I have a lot of things to do at hindi kasama ang pagdidirek. Baka next year na," says Eric Quizon about taking a break from directing.


Sa pictorial ng Bahay Kubo, isa sa mga entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival, ay nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actor-director na si Eric Quizon.

Pahinga muna raw siya sa pagdidirek at babalikan muna niya ang pag-arte na matagal niyang hindi nagagawa. Ang huli niyang pelikula ay ang So... Happy Together with Kris Aquino noong 2004.



"Napagod din ako dahil four years akong nagdidirek sa TV," sabi ni Eric. "Wala akong pahinga dahil sunud-sunod ang Narito Ang Puso Ko, Marinara, Darna, Majika, at Asian Treasures. Ang dami ko ngang ni-reject na projects dahil magpapahinga muna ako. Also, I have so many things to do, family matters, at personal things.


"Ang problema ko, the moment nagdirek ka ng soap, it's like you're tied to the project. Dapat i-commit mo ang sarili mo sa trabaho, pero I have a lot of things to do at hindi kasama ang pagdidirek. Baka next year na."


Hindi sinagot ni Eric ang tanong namin kung hanggang kailan siya magpapahinga sa pagdidirek. Malalaman na lang daw namin if he's back.

Timing naman dahil after Bahay Kubo, kung saan gumaganap siyang mister ni Maricel Soriano, ginagawa rin niya ang Hide and Seek at father role uli ang gagampanan niya sa launching movie na ito nina Jenica Garcia at Mart Escudero.


Tatlong TV shows ni Angel Locsin sa GMA-7 ang hinawakan ni Eric—Darna, Majika, at Asian Treasures—kaya tinanong namin ang actor-director kung mami-miss niyang idirek ang young actress na nasa ABS-CBN na ngayon.



"Bakit kasama si Angel sa usapan?" natatawa niyang sabi. "Of course, I miss her. She's dear to me, very dear to me and we have a very good working relationship. Maganda rin ang relationship ko kay Angel, sa ABS-CBN at GMA. Huwag n'yo akong guluhin at huwag n'yo akong isangkot. Never akong nagreklamo kay Angel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN