It's Mark Herras vs. Patrick Garcia as Jennylyn Mercado's leading man in

IMAGE 0


Contrary to an earlier report, Mark Herras (left) is not yet the final choice to be Jennylyn Mercado's leading man in the television remake of the Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie My Only Love. It's still a toss-up between Mark and Jennylyn's real-life boyfriend Patrick Garcia (right).



Bagama't kinumpirma sa amin ng isang source ang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kay Jennylyn Merecado posibleng ibigay ang television remake ng My Only Love, sinabi ng isa pang insider na pinag-iisipan pa rin ng management kung kay Mark Herras nga ba o kay Patrick Garcia ibibigay ang soap bilang partner ni Jennylyn.

At press time ay wala pa talagang final casting, kahit na sa role ni Jennylyn, dahil nakakaisang meeting pa lang diumano ang production crew tungkol sa naturang proyekto. Sa katapusan pa naman daw kasi ng taon sisimulan ang My Only Love dahil kung ito nga ang papalit sa Kung Mahawi Man Ang Ulap nina Dennis Trillo at Nadine Samonte, sa November pa ito magtatapos.

Pero kahit pinag-iisipan pa kung sino ang magiging leading man kung saka-sakali ni Jennylyn sa My Only Love, na ididirek daw ni Louie Ignacio, may nakapagsabi sa amin na baka hindi ito tanggapin ni Patrick kung sakaling i-offer sa kanya ang role.

Balita raw kasing magli-leave muna ng showbiz si Patrick for six months. Balak daw nitong magpunta sa United States para mag-aral.

Kaibigan at kasama ni Patrick sa Fantastic Man ang nagkuwento sa amin nito dahil naibalita namin sa kanya na baka sina Patrick nga ang maging katambal ni Jennylyn if ever sa My Only Love at hindi si Mark.

Parehong may kaugnayan sina Mark at Patrick kay Jennylyn. Si Mark ang ex-boyfriend ni Jennylyn at si Patrick naman ang kanyang present boyfriend. Magkasama rin sina Mark at Patrick sa magtatapos nang Fantastic Man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN