Jomari Yllana is not privy to Aiko Melendez's marriage woes

IMAGE 0


"Sa totoo lang nga, hindi ko pa talaga alam ang eksaktong nangyari. Until siguro na may mag-confirm sa akin from the house. Nakakausap ko si Aiko, nakikita ko siya kapag dinadalaw ko ang anak ko, pero we never really talked about it," says Jomari Yllana about the separation of his former wife Aiko Melendez from her second husband, Martin Jickain.



Sa presscon ng Lastikman kagabi, September 19, ay hindi nakaiwas si Jomari Yllana nang tanungin ng entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), tungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng kanyang ex-wife na si Aiko Melendez at ng second husband nitong si Martin Jickain.

"Nagulat lang din ako nang mabalitaan ko. Kasi, when I visit my son [Andrei] and I see her [Aiko], we never really talk about it kaya hindi ko pa rin naman alam kung totoo nga. So sana, unang-una, hindi totoo. Sana maayos sila kung anuman ang problema talaga," simulang pahayag ni Jomari nang hingan ito ng reaksiyon tungkol sa sinapit ng ikalawang pagpapakasal ng kanyang dating asawa.

Dagdag pa ni Jomari, ipinagdadasal rin daw niya si Aiko palagi. "Siyempre, I was praying for the welfare of her children. I was praying for her peace of mind and I'm praying na sana okay siya," sambit ng aktor.

Bilang ama ng anak nila ni Aiko na si Andrei, hindi ba nagwo-worry si Jomari na baka makaapekto sa bata ang makita nitong sa ikalawang pagkakataon ay nakipaghiwalay na naman ang Mommy niya?

"Sa totoo lang nga, hindi ko pa talaga alam ang eksaktong nangyari. Until siguro na may mag-confirm sa akin from the house. Nakakausap ko si Aiko, nakikita ko siya kapag dinadalaw ko ang anak ko, pero we never really talked about it," giit niya.

Noong nakaraang birthday ni Andrei, may balitang kaya wala si Martin doon ay para mag-give way kay Jomari. Posible bang noon pa lang pala, may problema na sina Aiko at Martin?

"Hindi ko alam, e. I just went there for my son. Ganoon lang ‘yon. Wala naman akong ma-confirm. Wala naman akong ma-deny. Hindi ko alam, e. All I hear is people around me talking about it. Pero hindi naman ako mahusgang tao," pahayag ni Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang komento ni Jomari sa balitang "battered wife" diumano si Aiko?

"Sorry, I cannot comment on that and anything regarding her and the marriage. Totally, I cannot comment on that. Unang-una, may kanya-kanya na rin naman kaming buhay. Nagsama man kami before, legally tapos na ‘yon. Pasensiya na kung wala talaga akong makomento doon," pag-iwas ni Jomari.

Paano na ang arrangement nila with Andrei?

"Okay naman, it's still the same," sagot ng aktor. "Wala naman kailangang magbago sa arrangement namin ni Andrei. I still call him. I still see him every weekend."

Bilang ama, masasabi ba ni Jomari na minahal ni Martin si Andrei bilang stepson nito?

"Sa totoo lang, hindi ako close sa kanya. Kilala ko siya...pero kung tutuusin, hindi ko siya kilalang-kilala," pag-amin ni Jomari.

POPS FERNANDEZ. Samantala, mas open na si Jomari ngayon tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Pops Fernandez. Pero nilinaw ng aktor na hindi pa rin nila iniisip o pinagpaplanuhan ang kasal.

"Plano-plano...wala naman masyado," sabi niya. "Bihira nga kaming magkita. Palagi siyang wala, always doing concert tours. Pero alam n'yo, hindi ko alam. Kasi parang tatlong buwan nang tinatanong sa akin ‘yan, tatlong buwan ko na rin sinasagot. I really don't know where it is coming from. We're just taking each day at a time. We're just enjoying each other's company."

Nakakaapekto ba sa relationship nila ang absence ni Pops palagi?

"Hindi naman, okay lang," sagot ni Jomari. "Medyo magaling na ang teknolohiya. Magaling na ang sensiya. Isang pindot lang, puwede mo na siyang makita kahit saan man siyang mundo."

Puwede na bang sabihin ni Jomari na si Pops na ang ikalawang babaeng puwede niyang pakasalan?

"Ah, marami pa kong responsibilidad na dapat gampanan bago ko i-prioritize ang kasal. Parang ganoon din naman yata siya. Parang pareho kaming may mga anak na pinapalaki pa. Parang hindi ganoon kalapit," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible rin ba na nakadagdag sa apprehension niya na magpakasal ang nangyari sa second marriage ni Aiko para sumunod siya sa yapak nito noon na nagpakasal muli?

"Trick question yan!" tawa niya. "Ayokong mag-comment pagdating sa pakikipaghiwalay, wala akong kinalaman. ‘Yon na lang ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN