Jomari Yllana would accept Martin Nievera's dinner invitation if he asks him again

IMAGE 0


Jomari Yllana explains why he wasn't able to reply to Martin Nievera's text message and dinner invitation.



Muling nagpaliwanag ang aktor na si Jomari Yllana sa hindi niya pagsagot sa text message ni Martin Nievera sa kanya, kung saan inimbitahan siya ng singer na makipag-dinner kasama ang anak nila ni Pops Fernandez na sina Robin at Ram. Si Pops and girlfriend ngayon ni Jomari.



"Ang nangyari talaga noon, na-late ako ng gising dahil magdamagan ang taping. Tinext niya [Martin] ako ng tanghali, pero late na talaga ako nagising at late ko nabasa. So, talagang humihingi ako ng dispensa kay Martin kung di man ako nakapag-reply o di ko nagawa ang proper cell phone ethics," paliwanag ni Jomari sa presscon ng kinabibilangan niyang fantaserye sa ABS-CBN, ang Lastikman, noong September 19 sa Teatrino Greenhills.



Dagdag pa ni Jomari, kung iimbitahin daw siyang muli ni Martin for a dinner ay pupunta na siya. "Salamat sa imbitasyon. Kung puwede akong makapunta, bakit hindi?" sabi ng aktor.



Sa latest issue (October 2007) ng YES! Magazine ay malalaman ang mga naging pahayag ni Pops tungkol sa paghihiwalay nila ni Martin. Ayon kay Jomari, nandun ang suporta niya para sa girlfriend.



"Yung suporta ko kay Pops, nandun. Susuportahan ko siya sa kahit anong paraan, pero may boundaries. Kung anuman yung mga pinagtatalunan nila bilang dating mag-asawa, malaki ang respeto ko sa boundaries na ‘yon. Sa akin, nirerespeto ko ‘yon, at off-limits na ako dun," sabi niya.



Ibinalita rin ni Jomari na by November ay malamang na magtayo siyang muli ng isa pang business. Nagbabalak rin siyang mag-aral sa University of the Philippines dahil plano na niyang ituloy ang kanyang pagtakbo sa susunod na eleksiyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN