Sunshine Cruz says she'll stop getting pregnant for five years

IMAGE 0


"Mahirap magsalita ng tapos, pero ako, kung may choice ako, ayoko na. Kasi masyado akong nadi-depress, kasi palagi na lang akong bedridden at tumataba ako," says Sunshine Cruz about not getting pregnant again.



Balik-showbiz ang aktres na si Sunshine Cruz via Lastikman, ang bagong fantaserye ng ABS-CBN starring Vhong Navarro. Sa presscon ng Lastikman last September 19 sa Teatrino Greenhills ay very fresh at sexy pa rin si Sunshine kahit na tumaba siya ng konti.

Tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung wala na ba siyang balak magbuntis para makabuo sila ng kanyang asawa na si Cesar Montano ng isang baby boy. Puro kasi babae ang kanilang tatlong anak.

"Mahirap magsalita ng tapos, pero ako, kung may choice ako, ayoko na. Kasi masyado akong nadi-depress, kasi palagi na lang akong bedridden at tumataba ako," sagot ni Sunshine.



Ayon kay Sunshine, nagge-gain siya ng 60 pounds tuwing nagbubuntis siya. Nai-insecure din daw siya kapag nakikita niya ang kanyang mister na very fit ang pangangatawan dulot ng pagdyi-gym nito.



"I think three kids are enough. Siguro kung magbu-boy ako, siguro after five years or eight years," sabi niya.

Kuwento pa ni Sunshine, binigyan na raw niya ng tatlong pagkakataon si Cesar para makabuo ng lalaki, pero puro babae ang kanilang naging anak. Kaya hindi raw siya masisisi kung umayaw na siyang magpabuntis ulit.



"Talagang hindi ako mabubuntis for five years kasi mayroon akong inilagay na ‘something' not to get pregnant for five years. May 'something' sa uterus ko and I will not get pregnant," pagsisiwalat ni Sunshine.



Pero nilinaw ng aktres na kahit anong oras na gustuhin niyang magbuntis ay puwedeng alisin ang contraceptive device sa kanyang uterus.



"Siguro kung gusto ni Buboy na magbuntis ako, he has to find a way para tanggalin niya 'yon. But I dare him kasi mahirap itong gawin. Only my OB-Gyne ang makakatanggal nito," natatawang sabi ni Sunshine.

Inamin ni Sunshine na naaasar siya tuwing binibiro siya na pambayad-utang ang tatlo nilang anak na babae ni Cesar.



"Naaasar ako kasi pambayad daw ng utang ni Buboy [yung mga anak namin]," sabi ni Sunshine. "Ang sabi ko, bayaran na lang ni Buboy ang sarili niyang utang. But in fairness, good boy naman si Buboy although may pagkapilyo paminsan-minsan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Magmula raw nang ikinasal sila nila ni Cesar hanggang ngayon ay nabawasan na raw ang kanyang pagkaselosa.



"Sabi ko naman sa kanya, lagot talaga siya kapag nahuli ko siya. Pero hindi na ngayon, nabawasan na. Kung noon ay 100 percent ang pagkaselosa ko, ngayon mga forty-five percent na lang. Ako, kapag masama ang loob ko kay Buboy, kahit isang buwan kaya ko siyang hindi kausapin. Pero siya talaga ang palaging nagsu-sorry sa akin, kaya na-spoil ako talaga," kuwento ni Sunshine.

Kung sakali bang mahuli niya si Cesar na nambababae ay mag-a-ala Lorena Bobbit din siya at "puputulan" niya ang kanyang asawa?

"Hindi naman ganun kahilig ang asawa ko, good boy nga, e," sabi ni Sunshine. "Pero kung saka-sakali, hindi ko yata magawa ang ganun. Hindi ko nga mahiwa-hiwa ang hotdog, e, putulin ko pa ang ari ng aking asawa? Hindi ko 'ata magagawa 'yon!"



Mariin ding pinabulaanan ni Sunshine ang intrigang battered wife siya.



"Mahilig ako sa butter, pero hindi ako battered wife!" tawa niya. "Kasi hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko para saktan lang. Hindi naman ako nagpakasal para saktan lang ng lalaki. Nagpakasal ako para mahalin. Nagpakasal ako para irespeto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN