Ara Mina moves to her new P14.5M house

IMAGE 0


Actress Ara Mina is very happy that she has now moved to her new house at Don Antonio Royale Estates in Quezon City. The house is reportedly worth P14.5 million.



Isang binatang mula sa angkan ng mga pulitiko sa Ilocos Sur ang naging espesyal na bisita ng aktres na si Ara Mina sa blessing ng kanyang bagong biling bahay sa Don Antonio Royale Estates sa Quezon City kagabi, September 20.



Very low-profile lang ang 24-year-old na si Sammy Parilla na kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) hanggang umaga sa bahay ng aktres, kasama ang mga kaibigan ni Ara na sina Rufa Mae Quinto, Rustom Padilla, at ang mag-asawang sina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens. Nagulat kami sa regalo ni Sammy para sa blessing ng bahay ni Ara—isang mahahalin at state-of-the-art na computer set.



Tuwang-tuwa naman si Ara at natapos na ng kanyang contractor na si Ricky de Guzman ang mga kailangang maayos sa nasabing bahay. Ang interior designer ng bahay ni Ara ay ang mula pa sa Cebu na si Nancy Roble at ang butihing ina nitong si Martha Roble, na siya namang gumawa ng "magic" sa landscape ng bahay ni Ara in three days bago ang nasabing blessing.



Tinatayang P14.5 million ang halaga ng bahay na binili ni Ara. Nakapag-loan siya mula sa RCBC Bank.



"Kaya hindi totoo ang ipinakalat na naman ng mga may inggit sa akin na regalo sa akin ang bahay na ito. At pati ang leading man ko sa Anak ng Kumander na si Manny Pacquiao, e, pinagbitangan pang nagbigay sa akin nito. May mga trabaho ako. Hanggang abroad sumasalang ako sa mga shows.

"Tigilan na nila ang pagli-link sa amin ni Manny. I love you, Jinky [Pacquaio, Mnany's wife]! Huwag kang maniwala sa mga tsismis. Kung makikilala mo ako, totoo akong tao at mabuting kaibigan. At sa mga tao naman, huwag n'yo nang sirain ang pagsasama ng mag-asawa."



Dagdag pa niya, "Kahit hindi ko na dapat idawit o banggitin ang pangalan ng ex-boyfriend ko na si Polo [Ravales], isisingit ko na lang ito, tutal tapos na kami... Noong time na naghahanap siya ng bibilhin sana niyang bahay, isa ito sa mga tiningnan namin at nagustuhan ko na nga ang ayos pa lang ng bahay nung makita namin. Hindi naman niya itinuloy ang pagbili nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"So, when I decided na ibenta na yung bahay ko sa Ferndale, ito agad ang naisip ko na nung balikan ko, wala pa namang nakakabili. Siguro, meant for me na nga ito. At sabi nga sa akin ng nag-feng shui [Joy Lim] ng bahay ko, dito na raw ako magkakaroon ng panibagong lovelife ko," pahayag ni Ara sa PEP.



Pinatotohanan naman ng mga kasambahay ni Ara na marami talagang masugid na manliligaw ngayon ang aktres at pawang mas bata sa kanya. Isa na nga rito ang nakasama sa top three sa Be Bench search na si John, na pamangkin naman ng contractor ni Ara. Hindi nga lang nakasipot sa nasabing blessing si John dahil nagte-taping na pala siya ng Love Spell sa ABS-CBN.



ARA'S GUESTS. Sorpresa para sa mga mahal sa buhay ni Ara ang bago niyang bahay. Kaya nang blessing lang ito nakita ng kanyang mga magulang at mga kapatid, pati na ng kanyang manager na si Dondon Monteverde. Ilan pa sa mga kaibigang na dumating sa house blessing ay sina Ms. Marivin Arayata ng GMA-7, Direk Lore Reyes, Ricky Davao, Cathy Valencia, ang mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizarras, at marami pang iba.



"Pag ginusto ko ang isang bagay talagang pagpupursigihan ko," sabi pa ni Ara.

Nang dumating ang PEP sa bahay ni Ara, nadatnan namin doon si Mommy Vicky, ang ina ng kanyang ex-boyfriend na si Jomari Yllana, habang katsikahan naman ang Mommy Frances ng aktres. Nag-stay ng matagal si Mommy Vicky para makaharap din ang iba pang bisita ni Ara.



Sabi ni Ara, darating din ang Mommy ni Polo. Pero dahil siguro biglang bumuhos ang ulan, hindi na ito nakarating.



Bago ang lahat ng mga kagamitang inilagay sa bagong bahay ni Ara dahil iniwan na niya sa lumang tinitirhan niya ang mga gamit na naipundar niya noong doon pa siya nakatira. Umabot daw sa P2.5 million ang nagastos ni Ara sa mga bagong kagamitan para sa bagong bahay niya na may sukat na 323 sq. meters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga fabrics pa lang para sa kurtina at pillows ay inabot na ng P500,000 dahil galing pa ng Germany ang mga ito. Idagdag pa ang capice chandeliers at iba pang chandeliers sa iba't ibang bahagi ng bahay, to name a few. Ang cabinet lang with Chinese designs, dalawang candles na almost three feet in height, isang wall hanging na binili sa Pier 1 Imports last year ang natira sa mga dating gamit ni Ara.



Hindi nawaglit sa paningin namin ang napakalaking wall hanging ng mga glass candle holders na siyang nasa dingding sa sala. The wall hanging came from Jomari.

NATIONAL ANTHEM. Sa nasabing blessing, marami na agad ang nagtanong kay Ara kung totoo ba ang balitang siya ang kakanta ng "Lupang Hinirang" sa darating na laban ni Manny Pacquaio kay Marco Antonio Barrera sa Las Vegas, Nevada, sa October 7.



"Wala pa namang nagsasasabi sa akin na ako na nga yung kakanta. Naririnig ko lang at nabasa nga yung balita, pero as of today, wala pa namang confirmation. Kung matutuloy ‘yon, bakit naman hindi ko gagawin?" sabi ni Ara.



Hindi ba siya kakabahan kung sakali?



"I think, malakas at makapal na ang mukha ko ngayon as far as singing is concerned. Kagagaling lang namin nina Ka Freddie [Aguilar, na nagregalo kay Ara ng isang painting na nakasabit na sa kanyang bagong bahay] at Ella V. sa Las Vegas last month para mag-show. Siyempre, kung iaatang sa balikat ko yung ganitong klase ng pagkakataon, gagawin ko lahat ng magagawa ko to make our country proud.

"Dapat lang na paulit-ulit kong repasuhin ang kanta. Hindi basta kanta ito. Kanta ng bayan natin ito. Kung sakali ngang ako ang lilipad sa Las Vegas para kumanta ng National Anthem natin, dapat lang na maging preparado ako at hindi kabahan. E, wala pa namang pormal na sinasabing ako ang kakanta, ang dami nang kumukuwestiyon kung bakit ako raw ang kakanta, di ba?" lahad ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN