KC Concepcion reacts to mom's boast that KC will be "the biggest star ever"

IMAGE 0


"Wala pa nga akong nagagawa talaga na masasabi ninyong pelikula or album or what. So, if ever naman in the future ma-recognize ako for my, I don't know, my talent, e, di good. Pero hindi naman ‘yon ang goal ko na maging pinakamagaling or magka-award, or hindi po ‘yon yung goal ko talaga. Kung mangyari po, blessing, great!" replies KC Concepcion when asked to comment about her mom Sharon Cuneta's statement that "KC will be the biggest st



Marami pang nakakatuwang kuwento si KC Concepcion sa launching niya as the new Bayo endorser noong September 20 sa Discovery Suites.

Nagulat si KC na alam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento kung paano niregaluhan siya ni Sharon ng diamond-studded Cartier watch, reportedly worth P1.2 million, bilang graduation gift.



"Well, material gifts lang naman po itong lahat and hindi naman siguro... It's good gestures pero ang pinaka-importante sa lahat yung may time kayo sa isa't isa. Kahit na wala naman po siyang diamante or anything. Hindi ako sanay na may bato yung watch na ginagamit ko kasi pang-oras lang 'yon, di ba?" sabi ni KC, na nagtapos ng kursong BA International Corporate Communications, minor in Theater Arts, sa American University of Paris.



Nabanggit naman ni KC na on the way na sa Pilipinas ang mga personal stuff na ginamit niya sa Paris.



"Nasa gitna pa po siya ng karagatan," natatawa niyang sabi. "Mga fifty-five na boxes na nasa gitna ng karagatan ngayon. Lahat po ng four years, inilagay ko sa kahon. Pero lahat naman po ‘yon gagamitin ko sa Artists' Fair kaya ko rin ibinalik lahat para doon."



Every year daw ginagawa ni KC ang Artists' Fair o garage sale tuwing bakasyon niya sa pag-aaral mula sa Paris. Ang kita sa kanyang garage sale ay idu-donate niya sa charity.



"Usually po around ganito po, last quarter of the year. So, pinaplano po naming....iniisip ko nga na baka Kyusi [Quezon City] na ngayon kasi for the last four years, masyado kaming... mga Rockwell, NBC Tent. Ngayon naman, bababa naman kami."



"BIGGEST STAR EVER." Sa recent interview ng Megastar Sharon Cuneta ay sinabi niya, "KC will be the biggest star ever." Ano ang reaksiyon ni KC sa pahayag ng kanyang ina?



"Huh!" muntik matawa sa KC sa narinig niya. "Alam ninyo, ang daming talented diyan, ang daming magaganda diyan. Siguro, alam ninyo, ang "Maganda" na lang kung wala na lang tayong labels like Megastar, Diamond Star, or Star For All Seasons. Kasi ang dami-daming talents na kailangang bigyan ng pansin. Alam n'yo ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa nga akong nagagawa talaga na masasabi ninyong pelikula or album or what. So, if ever naman in the future ma-recognize ako for my, I don't know, my talent, e, di good. Pero hindi naman ‘yon ang goal ko na maging pinakamagaling or magka-award, or hindi po ‘yon yung goal ko talaga. Kung mangyari po, blessing, great!"



BILLY'S APOLOGY. Tinanggap na ng Mommy niya ang apology ni Billy Crawford sa pagsasabi nito na "good kisser" si KC sa radio program ni Mo Twister noon. Nagbiro pa nga si Sharon na hindi niya masisisi ang dating child star kung nasabi man niya ‘yon dahil good kissers daw talaga sila.

"Huh?" gulat na sabi ni KC habang tumatawa. "Well, I don't know if she [her mom] is. Matakot kayo kung alam ko! Hahaha! But yes, apology accepted naman."

Tinawagan or tinext man lang ba siya ni Billy para mas personal yung paghingi nito ng apology?

"Hindi pa naman. Kasi bagong postpaid ako, e. Dati prepaid ako.Naka-line na ako ngayon, so puwede niya akong tawagan kung gusto niyang mag-apologize personally," pahayag ni KC.



PIOLO PASCUAL. Sa launching ng album ni Piolo Pascual under Star Records, sinabi ng matinee idol na baka matulala siya kapag naging kaeksena niya si KC if ever gumawa sila ng pelikula or TV show.



"Tumigil nga siya!" biro ni KC. "Kaibigan ko naman si Piolo, e. Nakakatawa siya."



Nakakatulala naman talaga kasi ang beauty ni KC kaya puwede talagang mangyari ‘yon kay Piolo.



"I-control niya ang sarili niya," nakangiting pahayag niya.



ANGEL LOCSIN. Sa pagtuntong ni KC sa ABS-CBN, may mga nagkukumpara na ngayon sa kanila ni Angel Locsin, na bagong lipat sa Kapamilya network mula GMA-7. Ano ang masasabi ni KC tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Angel?



"Ano, well, talented siya," sagot ni KC. "Drama ang focus niya and maganda siya, mabait siya, bumabati. Nag-meet kami once, bumabati and...wala lang. Normal lang naman ‘yon na siyempre maghananap ang tao kung kanino ikukumpara. Hindi naman bago ‘yon sa industryang ito, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ginagawa lang namin yung sarili namin. Nandiyan na yung career niya, wala pa akong... I mean, wala pa akong TV special, may mga teleserye na siya. She's focused on her career and I focus on mine. And we greet each other when we see each other," sabi pa ni KC.



PARIS & FRENCH. Sa pagtatapos niya ng pag-aaral sa Paris, mananatili na ba si KC sa Pilipinas for good?



"I'll always visit Paris and I'm here primarily for family and work. So, kung if ever man, gusto ko po sa ibang bansa when I... Kasi pina-practice ko rin ang French and magandang place ‘yon pag gusto ninyo ng rest. Kasi quiet yung place," saad ni KC.



Papayuhan ba niya ang mga kapatid na sina Frankie at Miel na mag-aral din sa Paris?



"Not necessarily, kasi ho, ano rin ‘yon, e... To plan to study abroad is a big decision. So, kailangan nasa kanila yung gusto talaga nila and why. Hindi ko mai-impose sa kanila ‘yon. Ngayon, kung ma-inspire sila dahil Ate nila nagpunta doon or what, puwede."



Ayon kay Sharon, nag-aaral ng French sina Frankie at Miel para raw makapag-communicate in French ang tatlo niyang anak.

"Ah, maganda po yung accent ni Frankie," sabi naman ni KC. "Pero nahihiya pang magsalita. Pero yung Mom ko naman, magaling mag-Spanish. Marunong din siya [ng French] pero hindi lang niya ginagamit."

NO MEAT, PLEASE. Nakakaaliw naman ang kuwento ni KC kung paano at bakit hindi na siya kumakain ng meat.

"Nagpunta ako sa isang province sa [northern] Philippines. Ano, outreach namin sa school and how many days kami doon. And araw-araw, sa may Sagay 'ata sa Ilocos? Araw-araw puro ano, puro bago yung naririnig ko. Tapos siyempre, nakakatuwa yung mga baboy na inaalagaan namin doon.

"Pagbalik ko ng Manila, nagluto sila ng pork adobo. Hindi ko po alam kung bakit parang naging friends ko na sila [mga baboy]. Hindi ko na sila makain. So, nag-decide na lang ako na ayoko pala ng lasa nito. Hindi na lang, never na. And at the same time, parang ang daming...well, ‘yon nga, hindi na nila maharap sa akin yung litson kapag may mga fiesta kami sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, yung beef habang tsina-chop ko yung beef, trinay ko i-chop yung pork. Pero sabi ko talaga, ‘Hindi, carnivore ako!' Ginaganyan ko ang Mommy ko at Lola ko. Hindi puwedeng i-give up ko yung beef, love ko ‘yang steak. And then, tumikim ako sa favorite restaurant ko dati for beef na ten slices lang. Alam n'yo nandito na siya sa lalamunan ko, hindi na siya bumababa!" tawa ni KC.

Dagdag pa niya, "Sabi ko, ‘Eto ba yung effect kapag six months ka na hindi kumakain? Parang hindi na sanay yung katawan mo?' And then, ‘yon, itinuloy ko na rin yung lamb. Parang ganun 'ata ang nangyari, so fish na lang. I mean, kasi kailangan din ng protein and masarap, di ba, mag-grilled tanigue or grilled squid?"

Sa launching ni KC as the new Bayo endorser ay may naganap ding pag-uusap between her manager Sandra Chavez at ang mga executives ng BMG Pilipinas. Almost done na ang deal at isa nang exclusive BMG recording artist si KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN