Martin Jickain: "I never hurt Aiko, I still love her."

IMAGE 0


"Tatlong linggo ko nang hindi nakikita yung anak ko. Miss na miss ko na siya. Ayoko namang lumaking walang ama yung anak ko dahil galing ako sa isang broken family," says Martin Jickain about Marthena, his daughter with actress-politician Aiko Melendez.



Namataan ng GMA crew at ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Martin Jickain kagabi, September 21, habang kumakain ito kasama ang ilang kaanak sa isang bar and restaurant sa Pasig.

Todo-iwas noong una ang asawa ni Aiko Melendez, pero napakiusapan din namin siya na magpa-interview.

Ito ang kauna-unahan niyang on-cam interview matapos sumabog ang balitang hiniwalayan siya ni Aiko noong isang linggo.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang pagbigyan ng Quezon City Regional Trial Court ang request ng actress-politician na Temporary Protection Order (TPO) laban kay Martin para hindi ito makalapit within 1,000 meters sa kanya at sa anak nilang si Marthena.

"Hindi na dapat umabot sa TPO ito. Nakakalungkot," sabi ni Martin.

Ang mas ikinalulungkot daw ni Martin ay ang magiging epekto nito sa kanyang isang taong gulang na anak na si Marthena.

"Tatlong linggo ko nang hindi nakikita yung anak ko. Miss na miss ko na siya. Ayoko namang lumaking walang ama yung anak ko dahil galing ako sa isang broken family," malungkot na pahayag ni Martin.

Isang mariing iling ang isinagot ni Martin nang tanungin namin kung sinasaktan ba niya ang kanyang misis. Nauna na kasing nagreklamo si Aiko sa korte, gamit ang Republic Act No. 9262 o "Anti-Violence against Women and Children Act of 2004."

"Never. Never kong sinaktan si Aiko," mariing tanggi ni Martin.

Handa ba siyang makipagsabayan sa asawa sa korte?

"No. I still love Aiks," matipid pero malamang salita ni Martin.

Hindi na rin sumagot ng iba pang katanungan si Martin. Pinagbawalan na raw kasi siya ng kanyang abogado na magbigay ng pahayag na maaaring makaapekto sa kaso nila ni Aiko. Umaasa na lang daw siyang maaayos ang lahat ng ito.

Samantala, nakatakda namang dinggin ng korte ang Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ni Aiko laban kay Martin sa October 12.

Huling nakita ng GMA News at PEP na masaya ang dalawa sa 1st birthday party ng kanilang bunsong si Marthena. Makikita ang masasayang larawan ng nasabing okasyon sa Gallery ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN