"Zaido" amazon LJ Reyes is almost ready to pose for "FHM"

IMAGE 0


"Gusto ko kapag sumabak na ako sa pictorial, sobrang handa na ako. Yungtipong wala silang masisilip na mali sa katawan ko at konting retoke nalang ang gagawin," says LJ Reyes about posing for FHM magazine.



Seksing-sexy ang kasuotan ni LJ Reyes bilang Amasonang Lila sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Labas kasi ang tiyan ni LJ at kitang-kita ang kurba ng buong katawan niya. Obvious nga ang pagpapaganda ng katawan ni LJ at pinaghandaan niya talaga ang role niya para sa bagong telefantasya ng Kapuso network.



Ayon kay LJ, ang sikreto niya ay tuluy-tuloy na workout at tamang diet kaya gumanda ang hubog ng katawan niya. May mga nagbiro nga kay LJ na baka nahawa na siya sa kanyang boyfriend na si Alfred Vargas, na dibdiban ang pagpapaganda ng katawan parati.



"Wala naman sigurong masama sa lifestyle na pinapakita ni Alfred, ‘di ba?" sabi ni LJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal sa presscon ng Zaido. "Maganda ang outlook niya sa buhay at very healthy ang pamumuhay niya. Kaya kahit sino naman ay ma-e-encourage na tularan ang ginagawa niya.



"Ako naman ay maingat sa katawan noon pa. Tama lang ang pagkain ko pero this time, mas maingat pa kasi nga kailangan sa costume namin bilang mga Amasona na payat kaming tingnan at sexy.



"Totoong kinarir ko talaga ang katawan ko for Zaido. Gusto ko in shape ako parati. Ayokong may mapintasan sila sa katawan ko hangga't maaari."



So ready na kaya si LJ na mag-pose ng sexy para sa isang sikat na men's magazine tulad ng FHM?



"Konti pa. Kasi parang hindi pa ako ganun kahanda. Gusto ko kapag sumabak na ako sa pictorial, sobrang handa na ako. Yung tipong wala silang masisilip na mali sa katawan ko at konting retoke na lang ang gagawin. Ayoko naman kasi yung maraming oras ang aaksayahin nila sa Photoshop para lang maretoke ang katawan ko!" sabay tawa niya.



"Hindi ba't ‘yon naman ang ginagawa nila madalas? Gusto ko yung konti lang ang ayusin nila kasi halos wala nang mareretoke sa mga litrato ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Payag naman daw si Alfred kung sakaling magdesisyon si LJ na mag-pose na para sa isang men's magazine.



"Wala namang problema kay Alfred. Isa nga siya sa excited if ever matuloy na ako. He said na susuportahan niya ako all the way," pagtatapos ng StarStruck 2 First Princess.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN