Billy Crawford misses talking to KC Concecpion

IMAGE 0


"I knew KC for such a long time and mahal na mahal ko si Tita Sharon[Cuneta, KC's mother]. I will not do anything to hurt their family," says Billy Crawford about KC Concepcion.



Nakarating na sa Pinoy international singer na si Billy Crawford ang pagtanggap ni KC Concepcion ng kanyang apology dahil sa biro niya na "good kisser" ang anak ng Megastar sa radio program ni DJ Mo Twister. Nahihiya nga raw si Billy kung bakit kailangan madamay ang pangalan ni KC sa promo ng kanyang concert na It's Time sa October 6 sa Araneta Coliseum.



Idiniin ni Billy na wala siyang intension na isama si KC sa anumang interviews niya. Pero marami pa rin daw kasing nagtatanong sa kanya about her kaya nagiging accommodating lang daw siya.



"Ayoko kasing may magtampo or magalit sa akin. Mahirap kalaban ang media," sabi ni Billy sa presscon ng kanyang concert. "So I try to answer their questions about KC in a gentleman manner. Pero minsan, we can't really control other people. They will write what they want at iba na ang magiging meaning. I am very much aware of that.



"But it's a good thing that KC understood me at alam niyang wala akong masamang intension. I knew KC for such a long time and mahal na mahal ko si Tita Sharon [Cuneta, KC's mother]. I will not do anything to hurt their family."



Hanggang ngayon pala ay hindi pa nagkakausap sina Billy at KC kahit na nandito na sa bansa ang anak ng Megastar. Hindi raw kasi alam ng binata ang bagong cell number ni KC.



"I think nagbago na siya ng number," sabi ni Billy. "Kung yung old number pa niya ang active, natawagan ko na siya agad. Pero siguro hindi pa kami talaga pinagtatagpo for now. I know na she's busy and I'm busy as well. Siguro magkakaroon ng time na bigla na lang kami magkikita or magkakasalubong. Maliit lang naman ang mundo, e."



Kung sakaling aksidenteng magkita sila ni KC sa isang lugar, ang una raw itatanong ni Billy ay kung kumusta na ang pamilya nito at magpapakuwento raw siya tungkol sa pag-aaral nito sa Paris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Siguro hanggang doon muna. Na-miss ko rin kasi ang Paris noong mag-base ako sa US. So siguro puwede niya akong i-update. Kuwentuhan lang siguro kami ni KC because I also missed talking to her. Maganda kung mag-uusap kami in French para kaming dalawa lang ang magkakaintindihan if ever may mga tao sa paligid namin," lahad pa ng dating child star.



Pagkatapos ng concert ni Billy ay lilipad siya kaagad patungong U.S. para asikasuhin ang ilan niyang naiwang mga trabaho. Kaya hindi totoo ang balitang wala na siyang career sa ibang bansa dahil sunud-sunod daw ang schedules para sa kanya para mag-shows sa iba't ibang lugar. Naging priority lang daw niya ang pag-stage ng concert dito sa Pilipinas dahil matagal na raw niyang dream ito na ngayon ay matutupad na.



Dahil nga sa naging sunud-sunod na schedules niya sa U.S., hindi na niya magagawa ang pelikula that would have starred him with Whoopi Goldberg. Nanghihinayang nga si Billy, pero mas uunahin daw niya ang recording ng kanyang bagong album na siya ang magpo-produce sa U.S.



Bukod sa mga special guests ni Billy sa kanyang concert na sina Jay-R, Karylle, at Kris Lawrence, ipinagmamalaki rin ni Billy ang Movers, ang mga winners ng reality dance show niya na Move. Sila ay sina Aizel Moneva, Jobel Dayrit, Daniel Agbisit, AJ Sarate, Darcy Godoy, Mich Garong, and JM Vergara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN