Tanya Garcia gives birth to Mischa Amidala in Las Vegas

IMAGE 0


Actress Tanya Garcia delivered a healthy baby girl last September 16 in Las Vegas, Nevada. The baby named Mischa Amidala is Tanya's daughter with actor-politician Mark Lapid.


Nagsilang na ng kanyang first baby ang aktres na si Tanya Garcia sa Las Vegas, Nevada, noong September 16, Sunday, ng isang baby girl weighing 6.14 lbs.

Base sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) through text messages kay Tanya, during the time na ipinagbubuntis pa lang niya ang anak niya with boyfriend Mark Lapid, naikuwento na ng aktres na ayon nga raw sa kanyang ultrasound, September 16 ang talagang due date niya.

Ganunpaman, aware din si Tanya na madalas mangyayari na hindi eksakto sa ultrasound date ang nagiging araw ng aktuwal na kapanganakan. A few weeks before she gave birth ay medyo hirap na rin daw kasi siya dahil ramdam na niya ang bigat ng baby sa kanyang sinapupunan. Nagwi-wish na nga siyang maisilang na ang anak, pero siyempre ay dahil na rin sa excitement na masilayan ang kanyang baby na una niyang nakita through a 4-D ultrasound picture nito sa isang clinic din sa Las Vegas.

Sa isang hospital sa Las Vegas nagsilang si Tanya at present dito ang halos buong pamilya ni Mark, particularly Mark's mom na si Marissa Lapid, na excited at masayang-masaya sa kanyang panibagong apo. Siyempre pa, kasama ni Tanya ang ama ng kanyang baby na si Mark sa buong panahon ng pagbubuntis at hanggang sa araw ng pagsilang ng kanilang baby.

Hands-on mom din si Tanya sa kanyang baby at kuwento nga niya, siya mismo ang nag-aalaga kay Mischa.

Ayon pa rin kay Tanya, magkahalo ang features na nakuha ng kanilang baby sa kanilang dalawa ni Mark. Hopefully ay maipadala nga ni Tanya sa PEP ang pangakong mga pictures ng newborn baby nila ng actor-politician.

Sa kabilang banda, kinumpirma naman ni Camille Prats, na nasa Los Angeles rin, sa programang Showbiz Central kaninang hapon na nanganak na ang kaibigan niya.

Ayon kay Camille, na magli-limang buwan nang buntis, tinawagan siya ni Tanya apat na oras lamang pagkapanganak nito. Kinuwento ni Tanya na naging mabilis at hindi naman ganoong kahirap ang panganganak niya. Pinayuhan pa raw ni Tanya si Camille na huwag matakot kapag dumating na ang araw na siya naman ang magsisilang ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan rin ng text messages ay nabanggit ni Tanya na isa siya sa
mga tinawagan ni Camille noon at sinabihang nagdadalang-tao ito. May pangako nga raw si Tanya na dadalawin at makikipagkita kay Camille sa L.A. since may plano rin naman silang pumunta rito.

Nagkasama sina Tanya at Camille sa telefantasya na Super Twins, pero kinailangang iwanan ni Tanya ang naturang show dahil sa kanyang maselang pagbubuntis.

During the baby shower around June of this year ay meron na ngang nabuong pangalan sina Tanya at Mark para sa kanilang baby girl—Mischa Amidala. Obviously, hango sa paboritong Hollywood actress ni Tanya na si Natalie Portman ang second name na "Amidala," based on Natalie's character in Star Wars.

Personal na ring desisyon nina Tanya at Mark noong June na sa Las Vegas na mag-stay hanggang sa makapanganak si Tanya . Masasabi ngang nakabuti para kay Tanya ang pag-stay sa Vegas habang buntis ito dahil ayon na rin sa mga messages na ipinapadala niya ay mas okay siya roon, relaxed at hindi nai-stress. Nangako naman si Tanya na hangga't maari ay sa Pilipinas pa rin nila gustong pabinyagan ang anak, lalo pa nga't karamihan ng pamilya at mga kaibigan nila ay naririto sa bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN