StarStruck's Prince Stefan still hopes to see his Arab father again

Sep 27, 2007
"Kung magkita kami, siguro kagustuhan na ‘yon ni Lord. Ayokong isipin na patay na siya kasi para sa akin ay parang buhay pa siya. Bahala na si Lord. Panay naman ang dasal ko na sana isang araw ay magkita na kami," says Prince Stefan about his Arab father.


Lumiliit na ang pag-asa ng itinanghal na First Prince sa StarStruck 4 na si Prince Stefan na makikita pa niya ang kanyang amang Arabo na galing sa isang royal family sa Middle East.



Kuwento ni Prince, may nakapagbigay sa kanya ng address ng kanyang ama sa Middle East at sinubukan niya itong sulatan. Pero wala pa raw siyang natatanggap na sagot.



"Nagbakasakali lang ako kahit na pakiramdam ko ay luma na yung address," sabi ni Prince sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ako naman, hoping na sana ay makilala ko siya ulit or kahit makausap sa telepono. Magiging masaya na ako doon kasi ang Mommy ko, after so many years ay nagkita ulit kami. Sana mangyari din ‘yon sa Daddy ko."



Tinanong namin si Prince kung ano ang naaalala niya sa kanyang ama noong bata siya. Sinabi nito na parati raw siyang dinadala sa isang magandang hotel ng kanyang ina para makasama ang ama niya.

Continue reading below ↓



Nakapagbiyahe na rin daw si Prince sa kung saan-saan, pero masyado pa raw siyang bata para maalala ang mga ito. May mga litrato si Prince bilang katibayan na nakapagbiyahe siya kasama ang kanyang ina at amang Arabo.



"Ipinapasa-Diyos ko na lang po lahat," nakangiting sabi ni Prince. "Kung magkita kami, siguro kagustuhan na ‘yon ni Lord. Ayokong isipin na patay na siya kasi para sa akin ay parang buhay pa siya. Bahala na si Lord. Panay naman ang dasal ko na sana isang araw ay magkita na kami."



Samantala, sa pagtatapos ng Mga Mata ni Anghelita ay wala pang alam na bagong show si Prince kaya tutok siya sa pagpunta sa gym para magpaganda ng katawan.



"Nakakahiyang sabihin, pero gusto kong mapasama sa Cosmopolitan Bachelors next year," pag-amin ni Prince. "Wala namang masama na mangarap, di ba? Gusto ko rin naman na maganda ang porma ng katawan ko. Just in case na kailanganin nila ako for a certain role, handa na ako. Ngayon kung iku-consider ako ng Cosmopolitan magazine next year, mas maganda, di ba?"

Continue reading below ↓



Magsisimula nang mag-shooting si Prince para sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle & Roll 9 kung saan makakatambal niya si Lovi Poe. Isa si Prince sa pumirma sa Regal Entertainment bilang bagong Regal Baby ni Mother Lily Monteverde.

Read Next
Read More Stories About
Prince Stefan
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung magkita kami, siguro kagustuhan na ‘yon ni Lord. Ayokong isipin na patay na siya kasi para sa akin ay parang buhay pa siya. Bahala na si Lord. Panay naman ang dasal ko na sana isang araw ay magkita na kami," says Prince Stefan about his Arab father.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results