Joseph Bitangcol reconnects with Sandara; denies relationship with Keanna Reeves

IMAGE 0


Young actor Joseph Bitangcol has started communicating again with ex-girlfriend Sandara Park (inset, top). Meanwhile, Joseph also clarifies non-stop rumors linking him to sexy comedienne Keanna Reeves.



Sinang-ayunan ng young actor na si Joseph Bitangcol ang naisulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa hindi pagsali ni Sandara Park sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at ang plano diumano na pagbabalik niya sa Pilipinas. Aware pa rin kasi si Joseph sa mga balita tungkol sa kanyang ex-girlfriend.

"Wala naman po siyang balak bumalik. Kasi nakausap ko na rin siya, nag-email siya. Sabi niya, hindi raw po totoo na babalik siya at papasok sa PBB. Ako yung unang nag-email sa kanya. Sabi ko, ‘Kumusta na? Mag-PBB ka raw? Maganda ‘yan. Magandang break ‘yan.'

"Tapos sabi niya, ‘Hindi, hindi. Hindi ako uuwi diyan at hindi ako papasok sa PBB.' Medyo busy daw siya ngayon sa Korea...sa workshop, gym. Kung uuwi man daw siya, bisita lang kung may occasion or celebration," kuwento ni Joseph sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Para saan ang workshop ni Sandara?

"Siguro parang ano po... May nakausap yata siyang isang agency doon. Parang isang company. Siguro po baka na-offer-an siya. Siguro po under training siya," hindi rin siguradong pahayag ni Joseph.

Ngayong nag-i-email na sila sa isa't isa, ibig lang sabihin nito na nagkaayos na sila ni Sandara? Matatandaang pagkatapos mabalita na hiwalay na sila ay nagdesisyon si Sandara na bumalik sa Korea. Hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay na nauwi sa deadmahan. Hanggang nakaalis ang Koreana ay hindi pa rin sila nag-uusap.



"Okay na po kami," nakangiting sabi ni Joseph.



Paano sila naging okay?



"E, ‘yon po... Kasi nagulat siya na nag-email ako. Hindi po niya in-expect na mag-i-email ako sa kanya. Ang alam nga rin niya na ako ang galit. Sabi niya, ‘Kailan lang parang ayaw makipag-usap. Pero ngayon, ikaw yung nag-email.' Sabi ko po sa kanya, ‘Siyempre kinukumusta kita, e,'" kuwento ni Joseph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nami-miss ba niya si Sandara?



"Nami-miss ko pa rin po siya," pag-amin ng binata.



Gaano sila kadalas mag-email sa isa't isa?



"Parang araw-araw nung last week po," natatawang sabi ni Joseph. "Kasi yung sa phone ko po may...nakakapag-email ako sa phone."



Posible ba na magkabalikan sila ni Sandara?



"Hindi ko po masasabi. Hindi ko rin alam, e. Tingnan natin kung ano ang mangyayari," sabi ng Star Circle Quest graduate.



RELATIONSHIP WITH KEANNA. Samantala, maugong pa rin hanggang ngayon ang usap-usapan na may relasyon si Joseph at ang first PBB Celebrity Edition winner na si Keanna Reeves.



"Magkasama kasi kami sa Margarita. Pero wala po," pagtanggi ni Joseph.

Ayon kasi sa balita ay nadulas ang ina ni Joseph na si Mommy Lydia sa ilang members of the press sa pagkukuwento tungkol kay Keanna.



"Pero close po talaga namin si Keanna," giit ng young actor. "Pumupunta ‘yan sa bahay para lang manood ng mga recorded na Margarita episodes, ganun lang po. Kapapanood niya doon, naging close na sila nina Mommy. Kahit sila lang ang nandun, kahit wala ako."



Hanggang anong oras si Keanna sa bahay nila?



"Medyo nagtatagal din siya. Pero hindi naman inaabot ng umaga. Ginagabi rin po. Mga alas-dose, minsan hanggang alas-dos," sagot ni Joseph.



Hanggang saan pumapasok sa bahay nila si Keanna?



"Hanggang sa sala lang po," aniya.



May kumakalat ding tsismis na binilhan siya ni Keanna ng ilang gamit para sa kotse niya. Totoo ba ito?



"Ay, hindi po, hindi po!" mariing tanggi ni Joseph. "Wala pa siyang binili sa akin kahit ano. Iyon lang kapag dumadalaw siya doon [sa bahay], nakikinood siya ng Margarita, may dala siyang konting pagkain para sa lahat."



Kaya ba niyang makipagrelasyon sa mas matanda sa kanya?



"Hindi ko po alam!" sabay tawa ni Joseph. "E, kasi po ano siya [Keanna]... Parang barkda siya, at the same time nanay din, kasi mahilig siyang mag-advise. 'Tsaka kasi, may anak siyang binata. Lagi rin akong pinapagalitan nun kapag may nakikita siyang ano...ganun po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, wala talaga silang relasyon ni Keanna?



"Wala po. Wala po talaga," diin ni Joseph bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN