Dennis Trillo on Carlene Aguilar's baby: "Pangako, sasagutin ko 'yan this week."

IMAGE 0


"No comment muna tayo diyan. Ayoko muna siyang pag-usapan," said Dennis Trillo when GMA News and PEP asked him about the baby that Carlene Aguilar delivered last September 22.



Dinayo ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang location ng Zaido: Pulis Pangkalawakan sa Marilao, Bulacan, kahapon, September 27.

Dito namin nakausap si Dennis Trillo tungkol sa lumabas na balita na nanganak na ang napabalitang girlfriend ng matinee idol na si Carlene Aguilar noong September 22. Ayon pa sa balita, ang naitalang apelyido sa birth certificate ng bata ay "Ho."

Dennis Abelardo Florencio Ho ang tunay na pangalan ni Dennis.

Nakangiting humarap si Dennis sa amin, lalo na nang tanungin namin kung nagbasa na ba siya ng diyaryo mula kahapon.

"Ay, huwag muna nating pag-usapan ‘yan. No comment muna tayo diyan. Ayoko muna siyang pag-usapan," pahayag ni Dennis na tila alam na ang aming tinutukoy.

Nangako naman ang aktor na haharapin niya ang issue sa lalong madaling panahon. "Pangako, sasagutin ko ‘yan this week," sabi ni Dennis.

Halatang may iniinda si Dennis. Hindi lang namin malaman kung dahil sa isyung kinasasangkutan niya o sa pagod sa sabay-sabay niyang soap opera na Kung Mahawi Man ang Ulap at sci-fi novela na Zaido, na kapwa lumalabas sa GMA-7.

"Okay naman ako, okay lang ako. Heto, maraming trabaho," nakangiting sabi ni Dennis nang kumustahin namin ang kanyang kalagayan.

Matatandaang namatay na ang isyu tungkol sa pagiging ama ni Dennis noong Hulyo 2007 nang itanggi ni Carlene na siya ang ama ng kanyang dinadala. Ayon kasi kay Carlene ay isang Chinese businessman ang ama ng kanyang magiging anak.

Naging pribado ang lovelife ni Dennis mula nang magsimula siya sa showbiz. Pero malakas talaga ang bulung-bulungan tungkol sa kanila ni Carlene.

Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang source na magsasalita na si Dennis ngayong weekend sa isang showbiz talk show ng GMA-7. Dito na raw aaminin ng aktor na siya nga ang ama ng sanggol na isinilang ni Carlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN