Judy Ann Santos still building her future with Ryan Agoncillo

IMAGE 0


"Tungkol sa paglagay sa tahimik, hopefully, magtuluy-tuloy na lahat ngdapat ayusin, iyong mga plano, matupad. Kung next year, sana. Pero kunghindi pa, yung age naman namin ni Ryan,number lang ‘yan. Ang dapat naming isipin, kung handa na ba kami," says Judy Ann Santos about her wedding plans with boyfriend Ryan Agoncillo.



Napatawa nang malakas si Judy Ann Santos nang tanungin siya ng entertainment press kung ang pagiging endorser ba niya ng Familia Houseware Products (FHP) ay simula na ng paghahanda niya sa paglagay sa tahimik. Sa Carabana restaurant ni Juday ginawa ang media launch ng pagiging endorser niya ng FHP kahapon, September 27, kung saan isang sumptuous dinner ang inihanda ng aktres, kasama na rito ang special recipe niya na Japanese fried rice.

"Tungkol sa paglagay sa tahimik, hopefully, magtuluy-tuloy na lahat ng dapat ayusin, iyong mga plano, matupad. Kung next year, sana. Pero kung hindi pa, yung age naman namin ni Ryan [Agoncillo, her boyfriend], number lang ‘yan. Ang dapat naming isipin, kung handa na ba kami," sabi ni Juday sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Judy Ann is 29 years old while Ryan is 28.

Dagdag pa niya, "Announcement? Matagal pa talaga ‘yon. We're building our future. Madali lang magpakasal, pero pagkatapos ng wedding, meron ba kaming kakainin? Madalas akong maging bridesmaid noon sa mga kasal ng mga kaibigan ko. Nakita ko kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos nilang ikasal, dahil hindi nila pinaghandaan ang future nila.

"What's important sa akin ngayon, kung sunud-sunod ang projects and endorsements, bonus lahat ‘yon, blessings. Masaya ako dahil wala akong issue sa buhay, wala akong tinapakang tao, hindi ako nagrereklamo sa trabaho kahit gaano karami ‘yon.

"Kasi, patuloy akong nagbabayad ng tax... Yung first issue cannot be settled anymore, nasa trial pa rin kasi ‘yon. Ang binabayaran ko na 'yong present na tax," pag-update pa ni Juday sa kaso niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

DREAM WEDDING. May dream wedding ba si Juday?

"Dream wedding? It doesn't matter kung saan, basta hindi uulanin!" tawa niya.

"Hindi naman ako nagdi-dream ng garden wedding dahil hindi nagkakasal sa ganoon ang simbahan. Church wedding ang gusto ko, pero talagang hindi pa namin pinag-uusapan ‘yon, napi-pressure kasi kami. We're happy na sa second year ng relasyon namin, walang issue, tahimik kami at ini-enjoy ang relasyon namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit may balita na may inihahanda na raw na wedding gown ang sikat na fashion designer na si Paul Cabral para sa kanya?

"Wala," pagtanggi niya. "Kung nag-uusap man kami ni Paul, 'yon ay mga gowns na isinusuot ko sa pag-attend ng mga awards night. Yung wedding gown, hindi namin pinag-uusapan ‘yon."

Napansin ng mga kaharap na entertainment press ni Juday ang isang magandang singsing sa kanyang left ring finger. Bigay ba ito sa kanya ni Ryan?

"Hindi, binili ko ito," tanggi niya ulit. "Matagal ko nang dream na magkaroon ng isang eternity ring, kaya nang ibigay sa akin ni Tito Alfie [Lorenzo, her manager] ang suweldo ko, part of it ibinili ko nitong eternity ring."

NOT YET READY FOR RECONCILIATION. Samantala, tinanong ng PEP si Juday kung hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya handang makipagkasundo sa mga taong matagal na niyang hindi kinakausap, gaya nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal.

"That will come, hindi ‘yon pwedeng madaliin," sabi niya. "My life is an open book. Now, matanda na ako, ako na ang magdedesisyon sa sarili ko. Ayokong gawin ‘yon dahil magpu-promote ako ng show o may mga events na mangyayari. Kung akala nila hindi deep sa kanila ang mga nangyari, sa akin very deep ‘yon."

Sa huling panayam ng PEP kay Piolo ay sinabi nitong iimbitahan niya si Juday sa kanyang anniversary concert sa November. Tinawagan na ba siya ni Piolo?

"Hindi niya ako matatawagan, nagpalit na ako ng number," mabilis na sagot ni Judy Ann.

HECTIC SKED. Nakatakdang umalis si Judy Ann with Ryan on October 5 patungong United States para sa series of shows nila na Love Speak at premiere showing ng movie ni Juday with Jolina Magdangal, ang Ouija ng GMA Films at Viva Films.

Naka-schedule din ang shooting nila ni Ryan ng Sakal, Sakali, Saklolo sa Barcelona, Spain. Uuwi raw muna sila sa Pilipinas mula sa U.S., bago sila pumunta ng Spain sa November kung saan magsu-shoot sila roon for ten days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May offer din ang Star Cinema kay Juday na isang movie na pagtatambalan nila ng Ysabella co-star niya na si Derek Ramsey, kung saan gaganap ang aktres bilang isang equestrienne. Pero hindi raw ito tinanggap ni Juday dahil puno na ang schedule niya.

May movie rin daw siyang gagawin sa GMA Films at Regal Entertainment kung saan makakatambal niya for the first time si Richard Gutierrez. Ito ang magiging Valentine presentation ng GMA Films at Regal at posible nitong makatapat ang una namang pelikula nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa Star Cinema.

"Sana matuloy ang pagtatambal namin ni Richard. Kung magkakatapat, trabaho lang ‘yon, walang personalan, kasi nakasama ko rin naman siya noon [Piolo]," pagtatapos ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN