Rhian Ramos asserts innocence in Richard Gutierrez-Georgina Wilson breakup

IMAGE 0


"Close kami ni Richard pero hindi ganoon ka-close na sasabihin niya saakin ang dahilan kung bakit sila nag-split. Pero I really doubt na ako'yon kasi, I mean, close naman kami pero I doubt na ganoon akokaimportante sa kanya na makikipag-break siya [kay Georgina]," says Rhian Ramos about her rumored involvement in the split-up of Richard Gutierrez and Georgina Wilson.



Mariing itinatanggi ng young actress na si Rhian Ramos na siya ang naging dahilan sa paghihiwalay umano nina Richard Gutierrez at Georgina Wilson.

Ayon kay Rhian, magkaibigan lang daw sila ni Richard at nanghihinayang pa nga siya na nakipaghiwalay ito sa kanyang girlfriend.

"It's unfortunate because I really like Georgina pa naman," sabi ni Rhian. "Close kami ni Richard pero hindi ganoon ka-close na sasabihin niya sa akin ang dahilan kung bakit sila nag-split. Pero I really doubt na ako 'yon kasi, I mean, close naman kami pero I doubt na ganoon ako kaimportante sa kanya na makikipag-break siya [kay Georgina]."

Pero kay Rhian na rin nanggaling na hindi niya isinasara ang kanyang pinto sa mga posibilidad.

"Mahirap magsalita ng tapos, mamaya bawiin ko yung sinabi ko. Mabait si ‘Chard at magkaibigan kami ngayon," sabi ni Rhian nang mag-guest siya sa Startalk kahapon, September 29.

Nagkasama sina Rhian at Richard sa mga serye ng GMA-7 na Captain Barbell at Lupin at sa pelikulang The Promise.

RADIO EVENT. Halatang dismayado naman ang young actress sa isyung naglasing raw siya minsan bago pumunta sa isang radio event kung saan nagwala siya diumano.

"Kumalat sa e-mail ‘yan, e. Dumating daw ako sa isang event at nang-away pa ako ng mga contestant doon. Yung nag-e-mail na babae, sinabi niya kasama niya yung isa sa mga contestant, pero wala namang detalye kung ano ang nangyari," bulalas ng young star.

"It's not true, hindi ko ginawa ‘yon," pagtanggi niya.

Duda ni Rhian, may ilang tao talaga na gusto siyang siraan.

Nagbigay rin ng pahayag si Rhian sa mga naglalabas ng istorya base sa mga e-mail na natatanggap nila. Hindi na raw sana lalaki ito kung hindi ilalabas ng mga entertainment writers at nakakapagod nang magpaliwanag ng mga isyung ibinabato sa kanya halos linggu-linggo, kahit hindi naman totoo ang mga 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinorner naman siya ng Startalk co-host na si Lolit Solis na baka raw sa kampo niya nanggagaling ang mga balita para mapag-usapan siya.

"Kung gagawa naman ako ng istorya para pag-usapan ako hindi naman siguro yung ikasisira ko, hindi yung naglalasing pa ako," depensa ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN