Rustom Padilla: "When I'm ready to be a parent, I will have a family."

IMAGE 0


"When I'm ready to be a parent, I will have a family, when I'm ready.Of course, I'm planning na magkaroon ng baby, who knows? But I want afamily when I'm ready to be a parent," says Rustom Padilla.



Matapos aminin ni Rustom Padilla ang kanyang sexual preference sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong isang taon, mayroon na naman siyang isang malaking hakbang na maaaring suungin.

Balang araw at handa na siya, mapagdesisyunan niya ang pagkakaroon ng anak at pamilya.

"When I'm ready to be a parent, I will have a family, when I'm ready. Of course, I'm planning na magkaroon ng baby, who knows? But I want a family when I'm ready to be a parent. Hindi madali... Kasi ‘yon ang problema, madaling magkaanak, pero yung pagiging magulang mahirap," ayon kay Rustom sa panayam sa kanya ng GMA News.

Aminado si Rustom na hindi naging madali ang mga relasyon para sa kanya nang aminin niya ang kanyang pagiging gay. Nahihirapan daw siyang magpakilala ng magiging karelasyon niya sa kanyang pamilya.

"Naiintindihan naman natin ‘yon. In time, hopefully, di ba? Hindi ko pa nga pinoproblema kasi nga wala pa naman talaga," sabi ni Rustom.

Matapos ang malaki niyang desisyon na aminin sa publiko ang kanyang pagiging gay, mabibilang lang daw ang ang pagkakataon na nakapag-usap sila ng dati niyang kabiyak na si Carmina Villarroel. Pero handa na raw niyang harapin si Carmina ngayon.

Ikinuwento ni Rustom na hindi naman naging emosyonal ang pag-uusap nila ni Carmina, pero very meaningful ito.

"Oo naman," sabi niya. "Actually, hinarap ko na siya, e. Di ba siya yung unang-una kong hinarap? In fairness, siya yung bukod-tanging isang taong nakausap ko bago ako nag-out on television. We really talked about a lot of things and settled a lot of things. Alam kong ngayon hindi kami nagkakaroon [ng time]. We don't bump into each other, but I'm sure it will be okay when see each other.

"Past is past, we've moved on. Kung meron akong isang gustong taong maging kaibigan, aba, isa siya dun kasi isa siya sa pinaka-nakakakilala kong tao talaga," pagtatapos ni Rustom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN