Uma Khouny to Bruce Quebral: "Huwag ka na maki-ride."

Sep 30, 2007
It seems like like the word war between Uma Khouny and Wendy Valdez is far from over. After Bruce entered the picture last week, Uma now considers him a "foe." The model-actor, however, is more than willing to talk things over with Uma.

Tila yata hindi na naman magpapaawat ang Pinoy Big Brother Season 1 housemate na si Uma Khouny sa isyu niya sa PBB alumna na si Wendy Valdez.

Nasa loob pa lang ng Bahay ni Kuya si Wendy noon ay nagpahayag na si Uma ng hindi nito pagkagusto sa ugaling ipinapakita ng baguhang aktres. Matatandaang nagbitaw ng salita ang binata noon ng, "Wala siyang kuwentang tao."

Nasundan ito ng isa pang komento na hindi nagustuhan ng Margarita star. Sa isang artikulo dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) , walang kagatul-gatol na isinagot ni Uma ang "Wendy" nang tanungin ito ng press kung sino sa mga Season Housemates 2 ang "plastic." Hindi naman ito pinalampas ni Wendy at nagpahayag siya ng, "Sana huwag na lang maki-ride." At ngayon ay isa na nga itong kontrobersiya.

Nitong ika-23 ng Setyembre, live na nagsagutan via phone patch sina Uma at Wendy sa Entertainment Live. Sa kanilang pag-uusap, bumanat na kaagad si Uma tungkol sa pag-iyak diumano ni Wendy. "Diyusko naman, Wendy, wala pa ko pero...hello, umiiyak ka na? And it's paawa-iyak."

Continue reading below ↓

Nadagdagan pa ito nang nakapanayam siya sa binyag ng anak ni Nene Tamayo noong September 26. Aniya, " Aminin natin, pag umiyak ang artista sa TV, kukunin mo ang sympathy ng taong-bayan."

Lalo pang nagpanting ang tenga ni Uma nang makarating sa kanya ang sinabi ni Wendy. Ayon daw sa baguhang aktres, "Well, this is the first time na mabastos ako ng isang lalaki. Sana ma-realize mo na lalaki ka."

At ngayon, nagpapakita na rin ng suporta ang rumored boyfriend ni Wendy na si Bruce Quebral. Nang tanungin siya ukol sa mga balitang susugurin nito si Uma at susuntukin pa raw kung magkita sila, "Di ko siya papatulan kahit sa physical, kahit siya ang mauna. Di ko siya papatulan. I'll just sue him."

Pero hindi naman daw imposibleng magkaayos ang dalawang dating housemates sa Bahay ni Kuya. Nang tanungin si Uma tungkol sa kanilang pagbabati, "Why not? Wala naman siyang ginawa sa akin. Siguro naman, di siya plastic sa labas ng Bahay ni Kuya, who knows? If I didn't do anything wrong, I won't say sorry."

Continue reading below ↓

Pero humirit pa si Uma kay Bruce. "Kay Bruce, kung gusto niya patahimikin ako, ang sasabihin ko lang, huwag ka na maki-ride."

Na sinagot naman ng varsity player-turned-model-and-actor sa Entertainment Live. Sabi ni Bruce, "Hindi naman ako nakiki-ride. Nakita ko lang ang need na ipagtanggol si Wendy. Hindi ko na ma-take ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko na ma-take na makita si Wendy na nasasaktan."

Ano naman kaya ang mensahe ni Bruce para kay Uma? "Okay naman kami ni Wendy na makipag-usap."

Mukhang aabangan na lang nating lahat kung magkakausap nga o maayos ang gusot na ito sa pagitan ng former PBB housemates.
Read Next
Read More Stories About
Uma Khouny, Wendy Valdez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It seems like like the word war between Uma Khouny and Wendy Valdez is far from over. After Bruce entered the picture last week, Uma now considers him a "foe." The model-actor, however, is more than willing to talk things over with Uma.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results