Ai-Ai delas Alas laughs off intrigue that she has rift with Eugene Domingo

Sep 30, 2007
Comedy Queen Ai-Ai delas Alas (above) says Pokwang ang Eugene Domingo are "stars in their own right... Ako naman, may sarili naman akong puwesto kagaya nila, kaya hindi talaga ako nai-insecure."

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Apat Dapat, Dapat Apat nina Candy Pangilinan, Eugene Domingo, Pokwang, at Rufa Mae Quinto. Isa sa mga lead stars nito na si Eugene ay kasalukuyang iniintriga kasama si Ai-Ai delas Alas.

Si Eugene ang kadalasang co-star o sidekick ni Ai-Ai sa kanyang mga pelikula, tulad ng box-office hit na Tanging Ina. At ngayon, mukhang sinusubukan ang kanilang pagiging magkaibigan.

Si Ai-Ai ang tinanong ng Entertainment Live tungkol dito. Totoo nga bang nai-insecure si Ai-Ai kay Eugene?

Sa isang presscon, ito lamang ang isinagot ng Comedy Queen, "Hindi naman, ano ba iyang mga istorya ninyo?"

Nagsimulang umusok ang intriga nang tanungin si Eugene kung sino kina Ai-Ai at Pokwang ang magaling magpatawa. Sinagot naman ni Eugene na kapwang magaling sina Pokwang at Ai-Ai.

Dagdag pa niya, "Kung gusto niyo kaming intrigahin ni Ai-Ai de las Alas ay hindi kayo magtatagumpay kasi mahal niya ako. Susuportahan ko siya anytime that she needs me."

Continue reading below ↓

Sinusugan rin naman ni Pokwang ang sinabi ni Eugene nang sabihin nito na mataas ang respeto ni Eugene kay Ai-Ai.

Sa ngayon ay makikitang superfriends sina Eugene at Pokwang, lalo na't magkasama sila sa pelikula. Hiningan tuloy ng reaksiyon si Ai-Ai dito. "Okay lang, wala naman akong friends," pabirong sagot niya.

Noong pumasok raw siya sa industriya ay wala siyang kasabay at never siyang nai-insecure dahil ayon nga sa kanya, "Lahat naman tayo ay stars in our own right. Sina Pokwang, stars in their own right, sina Euge...Ako naman, may sarili naman akong puwesto kagaya nila, kaya hindi talaga ako nai-insecure."

Nang tanungin naman siya kung sino ang susunod sa yapak niya sa pagpapatawa, "Wala pa akong napipili pero lahat naman sila magagaling."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedy Queen Ai-Ai delas Alas (above) says Pokwang ang Eugene Domingo are "stars in their own right... Ako naman, may sarili naman akong puwesto kagaya nila, kaya hindi talaga ako nai-insecure."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results