Kristine Hermosa counters persistent rumor linking her to Oyo Sotto

Sep 30, 2007
The Kristine-Oyo item surfaced after the son of Vic Sotto called it quits with Angel Locsin. Although the latter cited "lack of time for each other" as the root of their breakup, some tabloids reported that Kristine figured as one of the the reasons. Oyo and Kristine denied that they're a couple but admitted they're going out as friends.

Nakatakdang sumabak si Kristine Hermosa sa kanyang most daring sexy pictorial sa magazine na pag-aari ng real-life partner niyang si Diether Ocampo. Two-piece bikini raw ang suot dito ni Kristine at naaprubahan na ang concept na ayaw niya munang i-reveal. Si Kristine ang bida ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Prinsesa ng Banyera na magsisimula sa October 8.

"Basta daring pero tama lang sa panahon," paglalarawan ni Kristine.

After ng pictorial na ito ay magiging cover girl naman ang aktres sa isa pang men's magazine pero ito na raw ang huli niyang pagpo-pose nang sexy.

"Dapat the most na yung dalawang magazines. Huwag nang tumatlo pa," diin niya.

By October, malapit nang matapos ang pinapagawang bahay ni Kristine. "Hindi ito dream house ko. Townhouse po siya na may apat o limang pinto, mga ganyan...investment lang. Pwede ko ipa-rent, tutal may bahay naman kami sa Loyola Grand Villas," kuwento niya.

Impluwensya ba ito ni Diether sa kanya? Kilala ang boyfriend ni Kristine na mahilig mag-invest sa business.

Continue reading below ↓

"May mga impluwensya rin naman si Diet pero, uhm, kung hindi rin naman ako makikinig sa kanya, wala siyang magagawa. At the same time, na-realized ko na hindi rin ako forever sa business na 'to kaya kailangan ko nang kumilos-kilos, kasi baka mamaya magutom ako sa kalye," paliwanag ni Kristine.

Worth more or less six million pesos daw ang halaga ng townhouse ni Kristine. Alam din ito ng kanyang pamilya, sabi niya. "Natuwa sila nung malaman nila. ‘Aba, marunong ka na [sa pera]. Okey, puwede ka na.' Wala na silang pakialam sa akin ngayon."

Natapos na rin bang bayaraan yung bahay na kinuha niya sa Loyola Grand Villas?

"Hindi pa tapos pero malapit na. Actually, mabilis ko siyang matatapos kasi binagsakan ko agad ng pera. Less than four years ko na siya binayaran. Baka next year tapos ko nang bayaraan, supposed to be, mga ten years ‘yan. Nakapangalan yung bahay sa aming lahat. May kuwarto pa rin po ako doon, pero nagre-rent ako ng condo," ang sagot ng Kapamilya star.

Continue reading below ↓

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Diether, sinabi niya na hinahayaan muna niyang i-enjoy ni Kristine ang kanyang "liberty." At natutuwa nga si Diet na ang girlfriend niya ay nakiki-hang out sa male friends ng dating Hunks member, kahit pa minsan ay binibigyang-kahulugan ito ng mga nakakakita at sinasabing nakikipag-date ang aktres sa mga kaibigan ni Diet.

Ang komento naman ni Kristine dito, "Oo, lahat naman nail-link sa akin. Paano, hindi sila sanay na nakikita ako kasama ibang lalaki. Ang sanay lang sila, si Diet, so, medyo expected ko na matsistsimis ako. Pero ano ba yun? E, mga kaibigan ko lang naman ang mga ‘to.

"Actually, mas close ako sa mga lalaki talaga. Majority ng friends ko mga lalaki. Mahilig ako sa mga lalaki," pagpapatuloy pa niya.

Tungkol naman sa hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa kanila ni Oyo Sotto, itinanggi ni Kristine na lumabas sila recently ng anak ng Box Office King na si Vic Sotto.

Continue reading below ↓

Aniya, "Alam ninyo, hindi na kami nagkikita ni Oyo. Nagkikita lang kami sa shooting. Hindi kami nagkikita sa wala lang na panahon. Pero ngayon, baka puwede na ulit kaming lumabas. 'Tsaka hindi naman kami lalabas dahil nagliligawan kami.

"Kaibigan ko lang talaga si Oyo. Napakabait na bata. Mommy nga po ang tawag niya sa akin dahil sa Enteng Kabisote. Nanay na nanay nga niya talaga ako," pagtatapos ni Kristine.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Kristine-Oyo item surfaced after the son of Vic Sotto called it quits with Angel Locsin. Although the latter cited "lack of time for each other" as the root of their breakup, some tabloids reported that Kristine figured as one of the the reasons. Oyo and Kristine denied that they're a couple but admitted they're going out as friends.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results