Kris Bernal on losing Mart Escudero as her love team: "Nasaktan po ako."

Sep 30, 2007
The young actress sets career as her top priority. With two shows on GMA-7, Kris Bernal (left) has no time for love. Even if she and old "flame" Aljur Abrenica (right) are back together as screen partners, Kris focuses on her craft.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Boys Nxt Door sa Kidz World, San Agustin 1, Dasmariñas, Cavite, last Saturday, September 29.

Thankful ang buong cast dahil nagsimula na ang second season nila kahapon, September 30, sa GMA-7, na mataas pa rin ang rating. At sa pagsisimula ng second season, balik na ang mga love teams at naayos na ang mga gusot sa kanila. Pero siyempre, mayroon pa rin daw mga twist sa story, at may mga bagong characters pa ring papasok.

Medyo inaantok-antok pa si Kris Bernal nang makausap ng PEP dahil umaga na raw sila nakauwi nina Marky Cielo at Aljur Abrenica mula sa taping nila ng Zaido (Pulis Pangkalawakan), at sa location na sila tumuloy.

Sa Boys Nxt Door, nagkabalikan na raw sila ni Aljur as a love team, pero nangiti siya nang tanungin kung balikan na rin sila ni Aljur. Di ba noong nasa StarStruck 4 pa sila, hindi lihim na nililigawan siya ni Aljur at siya naman ay halata rin na in love dito?

Continue reading below ↓

"Sa love team na po muna, pero nagsisimula na po muli kaming maging close dahil kami na nga ang magka-love team dito at sa Zaido. Hindi ko alam kung kanino ako mapupunta, dahil love triangle kami nina Marky," nakangiting pahayag ni Kris.

"Mas bibigyan po muna namin ng priority ang aming trabaho dahil pareho po naming ipinagdasal at ipinagpasalamat na pinagkatiwalaan kami ng GMA network ng project, lalo na po sa Zaido."

Ano ang nangyari sa kanila ni Mart Escudero na dati niyang ka-love team? Nasaktan ba siya noong kay Jennica Garcia na ipinareha si Mart at tumigil na rin ito ng panliligaw sa kanya?

"Opo, nasaktan po ako talaga noon nang hindi na kami ang magka-love team. Sa akin po kasi, doon nagsimulang mabuo ang friendship at bonding namin, 'tapos bigla pong nawala. Pero hindi ko po naman sinisisi si Mart, desisyon po iyon ng management. Baka po si Aljur na talaga ang gusto nilang maka-love team ko dahil wala naman siyang ka-love team after naging Ultimate Hunk winner siya. Nagpapansinan po naman kami ni Mart dahil magkasama kami dito sa Boys Nxt Door.

Continue reading below ↓

Since kasama na rin sa BND si Jennica, kumusta naman ang relasyon nila?

"Okey po kami ni Jennica, mabait po siya. Wala po naman siyang kinalaman sa amin ni Mart. Saka hindi po namin pinag-uusapan si Mart kung nagkakaroon kami ng break sa taping, mas pinag-uusapan pa namin ang mga latest fashion, iyong usapang pang-teeners."

Sa ngayon, kahit nasa two weeks na ang Zaido, nag-a-adjust pa rin daw siya sa taping nila kasi iba ang character niya as Amy, na tahimik at rebelde at gustong maging isa ring Zaido. Samantalang sa BND naman bilang si Coffee, iyong natural lamang niya ang iniaarte niya sa screen.

"Pero I feel blessed po sa mga dumarating sa akin. Bukod sa two TV shows ko, mayroon na rin po akong movie, ang Kulam ng Regal Entertainment, na na-starstruck po ako kay Judy Ann Santos nang una kong makasama sa shooting. Ang bait-bait at ang husay-husay po niyang umarte, at hindi siya mahirap hingan ng tips sa acting," nakangiting pagtatapos ni Kris na tinawag na para mag-take.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Aljur Abrenica
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The young actress sets career as her top priority. With two shows on GMA-7, Kris Bernal (left) has no time for love. Even if she and old "flame" Aljur Abrenica (right) are back together as screen partners, Kris focuses on her craft.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results