Judy Ann Santos talks about being a mom to baby Yohan

Sep 30, 2007
With baby Yohan, Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo (not in photo) are already learning what it is like to be parents. The adoption of the three-year-old kid has not been legalized yet, and Juday looks forward to the prospect of calling Yohan her own daughter.

Nilinaw ni Judy Ann Santos sa presscon ng Ysabella, na extended hanggang February sa primetime bida ng ABS-CBN, ang kumalat na balitang inaprubahan na ng korte ang adoption papers ng batang si Yohanna Louise Santos. Madiing sinabi ni Judy Ann sa amin na hindi pa rin tapos ang pagpo-proseso ng mga papeles ni Yohanna para maging legal na ang pag-ampon niya sa bata.

Continue reading below ↓

"Uhm, gaya naman ng sabi ko before, kung tapos na yung papers ng bata, sasabihin naman namin. Bakit naman kailangang itago yun? Dapat ngang ipagmalaki ko yun ‘di ba, na finally legal na naming anak si Yohan," ang nasambit ng young superstar.

Sa pagpapatuloy niya, "Hindi pa po tapos. Nasa korte pa rin, and I would really appreciate kung hintayin na lang natin at huwag pangunahan yung magiging desisyon ng korte kasi baka maudlot pa. Ikamamatay ko talaga nang bonggang-bongga kapag may nangyaring hindi maganda sa papers ng bata."

Kapag naaprubahan ng korte, si Judy Ann ang magiging legal na magulang ni Yohan. And soon, magiging Agoncillo rin kapag nagpakasal na si Juday sa boyfriend niyang si Ryan Agoncillo.

"Hindi pa kasi pwedeng ilagay si Yohan under Agoncillo kasi hindi pa kami married. So ‘pag halimbawang nagpakasal kami, then, Ryan will do the second adoption. Kaya dapat praktisin niyang magsulat ng mahabang apelyido."

Continue reading below ↓

Si Yohan ba ang "pinagpa-praktisan" nila ni Ryan for their future babies?

"Hindi, alam mo kasi, kumbaga, yung pagmamahal sa bata automatic na lumalabas yun, e. Kapag wala ako, halimbawa, magi-stay si Yohan sa kanila. Yung yaya ni Yohan, iiwan silang mag-Tatay sa kuwarto. So, alam ni Yohan kung kanino siya hihingi ng dede. ‘Daddy, dede.' Alam niya ‘yun," ang kuwento pa ng Ysabella lead star.

Marunong na si Ryan?

"Alam niya. Huwag mo lang siyang pagbabalutin ng pampers na may poo-poo."

Paano niya ire-rate si Ryan as a father?

"Ay, magaling siya. He's very much a disciplinarian. Disciplinarian in a way na hindi naman niya tino-trauma yung mga bata. Tinuturuan niya. Hindi lang kay Yohan kundi maging sa mga pamangkin niya, kahit sa mga pamangkin ko. Kumbaga, natuto po yung mga bata in a way na, ‘Ay, mali itong ginagawa namin kasi sabi ni Tito Ryan hindi tama.'

"Saludo ako doon kasi natututong mag-English yung mga bata. Nakikinig na lang ako. ‘Let your Daddy say.' Hahaha!" sabi pa ng aktres.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Juday na nagseselos siya kay Yohan pagdating kay Ryan. "Oo, kaming mag-ina nagseselosan sa Tatay. Nag-aagawan kami ng yakap."

Paano siya nagseselos sa karibal niya?

"Nakikipag-away ako," tawa ulit ni Juday. "Sa amin, fun yung mag-ina para sa amin...Playtime namin yun kapag paunahan kami sa pagtakbo sa Daddy niya."

Ano sa tingin niya ang greatest gift na maibibigay niya kay Yohan?

"Siguro yung ma-legalize yung pagiging baby namin siya more than the material things and everything. Yun talaga...kasi iba yung maregaluhan mo yung bata at masabi mo sa kanya na mahal ka namin dahil pamilya ka namin, at hindi dahil binigay ka lang sa amin kundi dahil gusto ka namin. Yun talaga ‘yon, e. Uhm, oo, 'pinagdasal kita. At higit sa kung ano pa man, hindi mapapantayan ng kahit anong bagay ang pagmamahal namin sa ‘yo,'" ang mahabang paliwanag ni Juday.

Yohan will turn three years old on November. Plano nina Ryan at Juday na regaluhan si Yohan ng kauna-unahan niyang trip abroad.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With baby Yohan, Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo (not in photo) are already learning what it is like to be parents. The adoption of the three-year-old kid has not been legalized yet, and Juday looks forward to the prospect of calling Yohan her own daughter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results