Sheree develops cysts because of unhealthy food intake

IMAGE 0


Sexy star Sheree admits that she suffers an ailment brought about by her unhealthy food intake. "Yun po kasi ang isa mga major findings ng mga doctor. Unhealthy daw poang food intake practices ko, lalo na yung sobrang pag-inom ngsoft drinks na halos gawin ko na itong tubig," she says.



Inamin ng sexy star na si Sheree sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na totoong may karamdaman siya ngayon. Ikinuwento ito ng dating miyembro ng Viva Hot Babes during the wild card phase ng U Can Dance sa ABS-CBN compound last Saturday, September 29.

Inamin ni Sheree na nahihirapan siya dahil ngayon lang niya sinasanay ang sarili sa pagkakaroon ng "healthy food intake."

"Yun po kasi ang isa mga major findings ng mga doctor. Unhealthy daw po ang food intake practices ko, lalo na yung sobrang pag-inom ng soft drinks na halos gawin ko na itong tubig," paliwanag niya.

Dati nang may karamdaman sa kanyang digestive system si Sheree, pero seven years ago pa nang huli siyang maoperahan dahil nga sa pagtubo ng mga cysts. Ngayon ay bumalik ito at sa cervix naman tumubo. Kapag napabayaan ay baka mauwi sa mga kumplikasyon at magiging delikado na.

"In fact, cancerous daw po. Nakakatakot nga, e, kaya baka early next year ay pupunta na po ako sa States para magpagamot," kuwento ni Sheree, sabay pakita ng isang maliit na cyst na tumubo sa isang bahagi ng kanyang kanang wrist.

Sa ngayon ay may regular siyang mga gamot na iniinom at ayon sa mga doktor niya ay nakakaya pa naman, though operation nga ang best solution. Plano lang tapusin ni Sheree ang mga naiwan at natanguang commitments niya until early december this year, kasama na ang sexy indie movie niyang Roxxxanne.

Sa Amerika siya magpapa-opera at magpagaling dahil mas maaalagaan daw siya dun ng kanyang buong pamilya. Ayon sa sexy star, malamang na umabot mula lima hanggang anim na buwan ang pamamalagi niya sa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN