Ryan Agoncillo confirms legally adopting Judy Ann's foster child

IMAGE 0


"Hindi mapapantayan ng kahit anong bagay ang pagmamahal namin sakanya. Yeah, the greatest gift we could give her is the gift of havinga family....," says Ryan Agoncillo about Yohan (not in photo), the adopted daughter of girlfriend Judy Ann Santos.



Kinumpirma ni Ryan Agoncillo ang naunang pahayag ng girlfriend niyang si Judy Ann Santos na aampunin ng TV host-actor ang adopted daughter ni Juday at isusunod sa kanyang apelyido kapag ikinasal na sila. Pinag-usapan na raw nila ito ni Judy Ann, kasama ang kanilang abogado.



"Dapat," mariing pagsang-ayon ni Ryan na siya ang gagawa ng second adoption ni Yohan.



Hindi lang sina Juday at Ryan ang labis na natutuwa sa pagdating ni Yohan sa kanilang buhay. Pati na respective families ng magkasintahan ay mahal na mahal na rin si Yohan, na magti-three years old na sa November.



"Mas maka-lolo si Yohan. One of the good things about Yohan being with my grandparents is because yung grandparents ko, baliw na baliw din sa mga apo nila sa brother ko. So, tatlong apo ‘yon, e, isang babae at dalawang lalaki. So, si Yohan may barkada na isang babae. So, two girls, two boys sila kapag lumalalabas sila with Lolo and Lola.

"And kami recently, we watched a movie with my pamangkins also, na maganda yung pagsasama ng magpi-pinsan. Maganda yung relationship as well as the pamangkins of Juday with Jeffrey [Santos, Juday's brother]," kuwento ni Ryan sa The Buzz kahapon, September 30.



Naikuwento rin ni Ryan na may mga gabi na siya ang nagtitimpla ng gatas ni Yohan kapag katabi niya ang bata sa pagtulog.



"Madali lang naman ‘yon, e. Huwag lang pampers [diapers]. Kahit ano gagawin ko. Lungad, walang problema, wee-wee [ihi], ganun din. Pero palit pampers with poo-poo [dumi], non-negotiable! Pag-aaralin ko siya hanggang college, walang problema. Pero poo-poo, huwag!" natatawang sabi ni Ryan.



So, napupuyat din siya kay Yohan?



"Oo, I have my share of times na nagigising ako sa gabi," sagot niya. "‘Pag sa amin, sa kuwarto ko natutulog si Yohan, e. So, nagigising ako in the middle of the night kapag umiiyak. Siyempre si Yaya nandun din, pero iba yung satisfaction of alam mong ikaw yung nagpatahan doon sa bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero minsan si Yaya kapag alam niyang puyat din ako at pagod... Ang maganda kay Yohan, marunong siyang manantiya. Kapag alam niya Daddy sleepy, e, hindi muna niya guguluhin. Puwera yung mga oras na hindi siya makapagpigil, nanggigising na lang talaga siya."



JUDAY AS MOM. Paano ire-rate ni Ryan si Judy Ann bilang isang ina?



"Okay!" bulalas niya. "She's very nurturing as a mom kasi nakikita ko na nagmamana sa kanya yung bata. And masaya ‘yon para sa akin na makita kasi, I mean, kanino pa naman dapat magmana, di ba, kundi sa kanyang Mom and Dad?

"Gusto ko yung mga nakikita ko," patuloy niya. "Yung mga pag-uugali niya. 'Tsaka ano, sabi ko nga, ang pagseselosan nito [Judy Ann] hindi yung babae kundi yung baby niya. Silang dalawa nagseselosan sa isa't isa. Maloko rin yung bata, e."



Malambing daw sa kanilang dalawa ni Judy Ann si Yohan.

"Pero kapag nagloloko na, nagta-tantrums na, mas ang hinahabol, siya [Juday]. Kasi mas nurturing si Juday, e. Alam niya, instinct niya yung Mommy talaga, e," pahayag ni Ryan.



Ano ang masasabi niyang greatest gift na maibibigay niya for Yohan?



"Hindi mapapantayan ng kahit anong bagay ang pagmamahal namin sa kanya. Yeah, the greatest gift we could give her is the gift of having a family. And sa nakikikita ko naman, tingin ko, mas napapasaya namin siya. Pero ang effect, kami yung masayang-masaya na kasama namin siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN