Paolo Contis building a house for his future family

IMAGE 0


"....Ipagdasal n'yo na kami na ni Isabel ang magkatuluyan," says Paolo Contis about girlfriend Isabel Oli. Paolo is currently building his house located in Don Antonio Royale Estates, Quezon City.



Masasabi ngang matatag na ang pundasyon ng relasyon nina Paolo Contis at Isabel Oli dahil balitang may bahay na silang ipinapatayo. Ayon sa balita, sa may Don Antonio Royale Estates sa Quezon City nagpapatayo ngayon ng bahay si Paolo at ito na nga raw ang magiging bahay nila ni Isabel balang-araw.

Paliwanag naman ni Isabel ay may mga ikinonsulta lang sa kanya si Paolo tungkol sa pagpapagawa nito ng bahay.



"Nagtatanong si Pao sa akin kung ano ba ang gusto ko sa bahay. Unang-una, gusto ko may garden. Pinatanggal na nga namin yung swimming pool kasi hindi ko hilig mag-swimming. Yung mga ayos ng kuwarto, kinonsulta niya sa akin. May limang kuwarto kasi yung house. Tapos yung iba pang detalye ng bahay, humihingi ng payo si Pao. Pero yung kulay ng house, sa kanya na ‘yon," kuwento ni Isabel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa huling presscon ng Mga Mata ni Anghelita, na magtatapos na ngayong linggo.



Tinanong naman namin si Paolo kung ito ba yung same house na balak niyang ipatayo noong sila pa ng kanyang ex-girlfriend na si Nancy Castiglione.



"Hindi naman," mabilis na sagot ng young actor. "Noong kami pa ni Nancy, lupa pa lang siya. As in wala pa akong napapatayong bahay kasi hindi pa ako decided kung ano ang gagawin ko sa lot na nabili ko. Siyempre, noong nawala na si Nancy at dumating si Isabel, doon na ako nagkaroon ng idea on what to do with the property. I thought of building a house para na rin sa future ko, and hopefully with Isabel."



Sa palagay ba ni Paolo ay si Isabel na ang kanyang pakakasalan, since kay Isabel na rin siya nagkonsulta kung ano ang magiging look ng bahay?



"Sana nga," ngiti niya. "It would be nice kung kami na nga talaga, di ba? Kami kasi ni Isabel, we have the same taste. Pati sa mga gamit sa bahay, may pagkakapareho kaming dalawa kaya I trusted her with what the house would look. Ipagdasal n'yo na kami na ni Isabel ang magkatuluyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN