Manny Pacquiao's Princess celebrates first birthday as he spars in Las Vegas

IMAGE 0


Manny and Jinky Pacquiao's only daughter, Princess, celebrated her first birthday yesterday, October 1, at the Renaissance Hotel in Makati City. Manny is in the United States now for his fight against Marco Antonio Barrera.



Kahit wala ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Pilipinas, natuloy ang first birthday celebration ng unica hija niyang si Mary Divine Grace "Princess" Pacquiao na ginanap kahapon, October 1, sa isang function room ng Renaissance Hotel sa Makati City.



Ang misis ni Manny na si Jinky ang punong-abala sa celebration na ito na may Disney Princess motif. Kasama ni Jinky sa paghahanda ng first birthday ni Princess ang kanyang pamilya, ilang kamag-anak, at ang manager ni Pacquiao na si Eric Pineda at misis nitong si Macy.



Naluha si Jinky dahil wala na naman si Manny para maki-celebrate sa kanilang bunso na si Princess. Kung matatandaan ay noong ipinanganak ni Jinky si Princess noong isang taon, nasa Las Vegas si Manny para sa laban nito with Erik Morales. Ngayon at first birthday ni Princess, nasa Las Vegas ulit si Manny para sa laban niya kay Marco Antonio Barrera sa October 7.



"Nalungkot nga ako kanina kasi nung ipinanganak ko si Princess, wala si Manny. Ngayon at nag-one year old na si Princess, wala na naman siya," sabi ni Jinky sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Pero nagkausap naman kami ni Manny sa phone at sinabi niya na pagkatapos ng laban, magse-celebrate ulit kami. Sa October 14 na naman nai-set yung date. Gusto niya ring maki-celebrate kasama ang prinsesa ng buhay namin."



Kabilang sa mga naging bisita ni Princess ay ang mga lady executives ng GMA-7 na sina Ms. Redgie Magno, Ms. Marivin Arayata, Ms. Darling de Jesus, at Ms. Gigi Santiago.



Noong gabi rin ng birthday ni Princess ay lumipad si Jinky patungong Las Vegas para makasama si Manny at masaksihan ang laban nito kay Barrera. Last year kasi ay hindi nakapanood si Jinky ng live boxing match ni Manny dahil buntis siya kay Princess.



"Tatapusin ko lang ang birthday party ni Princess at diretso na ako sa airport," sabi ni Jinky ilang oras bago siya tumungo ng airport. "Gusto kasi ni Manny na nandoon ako para sa laban niya. Gusto ko rin na nandoon ako para asikasuhin ang mga pangangailangan niya. Bilin nga niya ay dalhin ko ang mga vitamins niya. At ipagdasal natin na manalo siya ulit para sa buong bayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi nakasama ang dalawang anak na lalake ni Manny na sina Jimwell at Michael dahil may pasok sila sa eskuwelahan. Ang titingin muna sa mga bata ay ang mga kamag-anak ng mag-asawa.



"Sanay naman na ang mga bata na wala kami ni Manny. Natutuwa naman sila kapag nananalo ang Daddy nila. Mababait naman ang mga anak ko. Idol na idol nila ang Daddy nila kaya gusto rin nila na magkasama kaming dalawa."



Ang birthday wish ni Jinky sa kanilang prinsesa ay lumaki itong mabait, maganda at matapang, tulad ng kanyang mga magulang.



"Mahal na mahal namin itong si Princess at miss na miss na siya ni Manny," ngiti pa ni Jinky. "Gusto kong lumaki siya na dala lahat ng mga pangaral namin sa kanya at sa dalawa niyang kuya. Kaya after ng laban ni Manny sa October 7, uuwi kaagad kami para maayos ang second birthday party niya. Mas malaki ‘yon kasi lahat ng mga kaibigan at kamag-anak namin ay darating."



Balita na sa ballroom ng Mandarin Hotel gagawin ang second birthday celebration ni Princess Pacquiao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN