Kyla "pressured and flattered" to sing "Lupang Hinirang" at Pacquiao-Barrera fight

IMAGE 0


R&B Princess Kyla (in photo) was chosen by Solar Sports and Manny Pacquiao himself to sing the Philippine National Anthem at Pacquiao's boxing match against Mexico's Marco Antonio Barrera.



Si Kyla (Melanie Calumpad sa totoong buhay) ang opisyal na napili ng Solar Sports at ni Manny Pacquiao para kumanta ng Philippine National Anthem sa laban ng Pambansang Kamao versus Marco Antonio Barrera ng Mexico sa October 7 (October 6 sa United States) sa Las Vegas, Nevada.

Sa kabila ng earlier reports na ang sexy-singer na si Ara Mina ang kakanta ng "Lupang Hinirang," nilinaw ng R&B singer na wala siyang sinulot o inagawan ng papel, dahil pormal siyang kinausap ng Solar Sports at ni Pacquiao mismo.

Aminado si Kyla na malaking pressure ang kinahaharap niya ngayon dahil sa pag-awit niya ng "Lupang Hinirang" sa isang widely-publicized sports event na mapapapanood sa iba't ibang panig ng mundo.



"Honestly, I am very much pressured and flattered at the same time because I really did not expect that I would be chosen to sing the Philippine National Anthem in this big sports event," sabi ni Kyla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email.

Bilang paghahanda ay hiningan ng tulong ni Kyla ang dati niyang mentor na si Raffy Amaranto, na isang voice teacher, upang turuan siya sa tamang pagkanta ng "Lupang Hinirang." Alam kasi ni Kyla kung gaano kahalaga ang tamang paraan ng pag-awit ng ating Pambansang Awit, lalo pa't marami nang singers ang na-criticize dahil sa kanilang maling pagkanta o pagkalimot sa ilang letra ng "Lupang Hinirang."



Aalis patungong Las Vegas si Kyla kasama ang kanyang ina on October 5, a day before the big and much-publicized Pacquiao-Barreira fight. Agad din siyang babalik para sa promotion ng kanyang bagong album.

Kasalukuyang napapanood si Kyla bilang isa sa mga judges ng Coke: Ride to Fame at mainstay din siya sa SOP. May inihahanda na ring bagong talent show hosting job for Kyla, whose stint as host in QTV 11's Pop Star Kids proved to be very successful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita rin ni Kyla na very happy naman at going stronger ang kanyang lovelife with her boyfriend, cager Rich Alvarez. Nangako rin siya sa PEP na mabibigyan ng unang balita if and when maglalagay na sila sa tahimik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN