Kristine Hermosa on Diether Ocampo: "Matagal na kaming walang communication."

IMAGE 0


"Kung sino man yung gustong maging girlfriend ako o kung sino yung gustong manligaw sa akin, maging friends na lang muna tayong lahat. Saka magiging unfair din ako kung tatanggap ako ng suitors tapos hindi pa naman ako over Diet. And wala rin naman talaga akong plano na maging over him," says Kristine Hermosa.



"Hindi po kami ngayon," ang sagot ni Kristine Hermosa nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Diether Ocampo.

Pero bukod sa naging pahayag niyang ito ay tumanggi ang aktres na magbigay pa ng karagdagang detalye.

"May mga bagay na hindi mo naman kailangang malaman. Hindi naman ako magbibigay ng details, but I will tell you kung ano talaga ang real status sa amin," sabi ni Kristine sa grand presscon ng pinagbibidahan niyang soap opera na Prinsesa ng Banyera kahapon, October 2, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Diether ay sinabi nito na kahit "hiwalay" sila ngayon ni Kristine ay hindi raw nabawasan ni katiting ang pagmamahal niya sa babaeng pinakasalan niya noon.

"Wala namang nabawas talaga," sabi naman ni Kristine nang hingan namin siya ng reaksiyon sa tinuran ni Diether. "At kahit naman po sa akin, hindi naman ibig sabihin na porke't naghiwalay na kami ngayon ay nabawasan na yung love ko sa kanya.

"Mahal ko pa rin siya, pero at this moment, we decided to...na parang dumistansiya muna from each other. Tapos nagbibigay ng space and time apart para ma-reassess yung mga bagay-bagay kasi may goal kami pareho. Ang gusto naming mangyari sa buhay namin together, e, forever na kaming magsasama.

"Ang sinasabi kong goal namin together, meaning for our relationship. So ang goal namin, iisa lang. Ang gusto naming mangyari, of couse, mag-lead pa rin kami sa end of the road, na pareho kaming stable na—emotionally and mentally, ganun. And of course financially. Pero hindi naman po kami masyadong nagwo-worry sa financial because si God naman kahit walang-wala ka na sasaluhin at sasaluhin ka Niya," paliwanag ng magandang aktres.

HOPELESS ROMANTIC. Naniniwala ba si Kristine sa kasabihang "love flies out of the window if the stomach is empty?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's not true," kontra ni Kristine. "Hindi ko alam kung masyado akong hopeless romantic, pero hindi po ako naniniwala doon.

Paliwanag niya, "Para sa akin kasi, mas doon kami magiging strong, mas doon namin makikita yung existence ni God na alam namin na sasaluhin at sasaluhin Niya kami. Kasi mas pinanghahawakan namin yung faith namin sa isa't isa at saka kay God. So, para sa akin, magsasama't magsasama kami sa hirap at ginhawa, gutom man o sa hindi gutom."

Ngayong hiwalay na sila ni Diet, bumalik na ba si Kristine sa poder ng kanyang pamilya?

"Hindi po. Independent pa rin ako. Pero regular kaming nagkikita ngayon ng family ko," sagot niya.

Nilinaw rin ni Kristine ang isyu sa kanya noon na kapag in love siya ay nakakalimutan niya na ang kanyang pamilya.

"Hindi ko nakakalimutan ang pamilya ko. May mga factors lang talaga na everytime na nagkakaroon ako ng mahal, ayaw ng pamilya ko. Parang nagkaka-conflict talaga. Siguro may selosan. Kumbaga, kasi beybing-baby din ako ng family somehow. Matagal din akong naging bunso," sabi niya.

Sila ba ni Diet ay nagkikita pa rin?

"Matagal na po kaming hindi nagkikita, matagal na kaming walang communication," pagsisiwalat ng aktres.

Pero sa kabila nito, ayaw pa ring tumanggap ng ibang manliligaw ngayon si Kristine.

"Before, akala ko open ako na tumanggap ng suitor," sabi niya. "Pero ngayon ko na-realize na ayoko muna. Kumbaga, para sa akin, kung sino man yung gustong maging girlfriend ako o kung sino yung gustong manligaw sa akin, maging friends na lang muna tayong lahat. Saka magiging unfair din ako kung tatanggap ako ng suitors tapos hindi pa naman ako over Diet. And wala rin naman talaga akong plano na maging over him."

Kung dati ay sinabi ni Kristine na hindi niya makakaya kung sakaling manligaw sa iba si Diet, tila ngayon ay mas tanggap na niya ang ganitong posibilidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anong gusto niyang gawin, gawin niya. Kumbaga, kung anong nararamdaman niya, kung ano ang nasa puso niya, wala akong karapatan na pigilan siya. Nag-usap naman kami about this, e," pahayag ni Kristine bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN