PEP EXCLUSIVE: Keanna Reeves contradicts Jake Cuenca's denial of their one-night stand

IMAGE 0


"Ang sa akin lang, sinundo niya ako at pumunta kami sa bahay niya.Bahala na kayo kung ano ang iisipin ninyo. Alangan naman na mag-rosaryokami doon hanggang umaga?" says Keanna Reeves about her rumored one-night stand with young actor Jake Cuenca.


Ikinagulat ng sexy comedienne na si Keanna Reeves kung bakit lumabas ang diumano'y one-night stand nila ng young actor na si Jake Cuenca.



Ayaw na sanang magkomento ni Keanna tungkol dito, pero nang malaman nitong nag-deny ang young actor sa interview nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumabas noong October 3, kusang naglitanya ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner tungkol sa totoong nangyari sa kanila dahil kredibilad na raw niya ang nakataya.



Ayon kay Keanna, maraming beses na siyang nali-link sa mga young actor tulad nina Cogie Domingo at Joseph Bitangcol, pero palagi siyang idinidenay. Ngayon daw ay dapat na siyang magsalita dahil siguradong iisipin ng mga tao na gumigimik lang siya para mapag-usapan.



Sa kuwento ni Keanna sa PEP, nilinaw nito na wala pang relasyon noon si Jake sa rumored girlfriend nitong si Roxanne Guinoo nang may namagitan sa kanila.



"Malaya pa siya noon at malaya din ako noon kaya nangyari 'yon. Hindi dapat magpaapekto dito si Roxanne dahil past ito ni Jake. Dapat maintindihan ito ni Roxanne dahil lahat naman ng tao ay may past, di ba? Past is past at wala pa naman sila noon," sabi ni Keanna sa taping ng Boy & Kris noong October 3, sa Studio 5 ng ABS-CBN.



THE ENCOUNTER. Kuwento ni Keanna, nag-dinner date daw sila noon ni Rustom Padilla, housemate niya noon sa Bahay Ni Kuya, sa isang restaurant sa may Jupiter Street sa Makati. Doon daw siya sinundo ni Jake.



"Hindi siya puwedeng mag-deny dahil witness ko si Rustom. Kitang-kita niya ang pagsundo sa akin ni Jake," diin ni Keanna.



Ayon pa sa sexy comedienne, nag-isip muna siya kung sasama ba siya kay Jake dahil pagod na raw siya noong gabing 'yon galing sa shooting. Pero dahil nangako sa kanya si Jake na ihahatid siya pagkatapos, sumama na rin si Keanna at dinala raw siya ng young actor sa bahay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Alam kong ihahatid ako ni Rustom pag-uwi, pero nagpilit si Jake at nangako na siya na ang maghahatid sa akin. Kaya lang, hindi niya tinupad ang pangako niya. Instead, ipinahatid niya ako sa driver niya. Doon kami nagkaroon ng gap," kuwento ni Keanna.



Dahil sa hindi pagtupad ni Jake sa pangakong ihatid ang komedyana ay dinedma na siya ni Keanna magmula noon. Kahit daw nagkasalubong sila sa kanilang show sa Bench Fever noong nakaraang taon ay talagang wala silang pansinan.



"Doon ako nabuwisit na 'yong driver niya ang naghatid sa akin. Kasi si Rustom, talagang inihahatid niya ako pag-uwi tuwing lumalabas kami. Pero siya [Jake], walang ka-effort-effort, walang tiyaga.



"Wala naman akong pakialam kung ano'ng susunod doon, wala namang usapan doon. Ang usapan lang naman ay ihatid niya ako. 'Yon ang dahilan kaya dinedma ko na siya, wala na akong gana sa kanya. Saka naplastikan ako," lahad ni Keanna.

JAKE'S DENIAL. Sa panayam ng PEP kay Jake ay mariin nitong pinabulaanan na may namagitan sa kanila ni Keanna.

Ayon sa young actor, "All I know is that minsan ko pa lang yata nakita or naipakilala kami ni Keanna. I think, kung hindi ako nagkakamali, Bench Fever pa po ‘yon. Siguro after that, since pareho naman kaming Kapamilya, baka may mga times na nagkakasalubong or nagkakasama kami sa ABS-CBN. Pero sa isang project, wala pa naman po akong matandaan na nagkasama kami. So, imposible po talaga na may nangyaring ganyan sa amin. Imposible!"



Sa kabila nito, naintindihan daw ni Keanna kung bakit siya idinenay ni Jake dahil baka masira ang loveteam at relasyon ng aktor kay Roxanne. Pero naisip din ng sexy comedienne ang kanyang sarili at ang nakataya rito ay ang kanyang kredibilidad.

KEANNA'S VERSION. Diretsahan naming tinanong si Keanna kung may nangyari sa kanila ni Jake nang dalhin siya ng young actor sa bahay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko naman kailangan sabihin, alam na ninyo 'yon," sagot ng sexy comedienne. "Hindi ko puwedeng i-say, siyempre ang image ko ngayon medyo umiwas-iwas ako sa mga bulgar na words.



"Ang sa akin lang, sinundo niya ako at pumunta kami sa bahay niya. Bahala na kayo kung ano ang iisipin ninyo. Alangan naman na mag-rosaryo kami doon hanggang umaga?" sabi pa ni Keanna.



Nilinaw ni Keanna na hindi siya nang-aaway dahil ang gusto lang niya ay magpakatotoo si Jake imbes na idinedenay siya.



Aniya, "Para siyang nanghahamon ng kredibilidad, di ba? Kaya ako umiiwas sa press dahil kapag tinanong ako, 'Oo' at 'Hindi' lang ang sinasabi ko. Ganun lang.



"Hindi siya si Brad Pitt na dapat kong ipagsigawan sa mundo," diin ni Keanna. "Nagkataon lang na lumabas 'yan at tinanong ako. Wala namang masama kung magsasabi ako ng totoo kasi wala naman akong inagrabyadong tao. Free ako noong time na 'yon, wala akong boyfriend at wala din siyang girlfriend.



"Wala namang pilitang nangyari, willing naman akong sumama sa kanya at siya 'yong sumundo sa akin. So, anong ikakahiya ko? Sana kung mag-deny siya dahil nagsisisi or whatsoever, bakit niya ginawa 'yon? Ganun lang kasimple 'yon, e," pagtatapos ni Keanna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN