Young stars Paulo Avelino and Jiro Manio will not switch channels

IMAGE 0


Contrary to earlier reports, Jiro Manio (left) and Paulo Avelino (right) will not transfer to rival networks after their contracts expire. Jiro is an award-winning child actor in ABS-CBN while Paulo is a product of GMA-7's StarStruck.



Sa isyung lipatan ng istasyon, parehong napabalitang aalis sa mga home stations nila ang young stars na sina Paulo Avelino at Jiro Manio.

Si Paulo ang huling na-eliminate bago nag-Final Six ang StarStruck 4. A discovery of the late entertainment writer-talent manager Joey Diego, kahit hindi nanalo ang binatang nag-represent noon sa Baguio, siya naman ang may pinakamaraming commercials na nagawa, including high-profile ones like Pepsi with Bamboo and Lewis & Pearl with Maja Salvador.

Ipinares si Paulo kay Jewel Mische sa last story arc ng Magic Kamison, pero wala nang narinig kay Paulo after that episode.

With his commercial agent now handling him, pati ang isa pang dating Joey Diego talent na si Harry Laurel, may blind item na kumalat na tinatapos lang ni Paulo ang kanyang one-year contract as a StarStruck Avenger at ililipat na raw siya sa ABS-CBN.

Wala raw itong katotohanan, sabi ni Paulo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Boys Nxt Door kung saan ipinasok na rin siya sa second season story. May maliit na role din si Paulo sa Zaido bilang isa sa mga kaibigan ni Aljur Abrenica.

Nagkausap daw sila ng manager niya ngayon at may tunay na may inquiries, pero hindi naman daw nila ito kinunsidera dahil sa GMA-7 na-discover si Paulo.

Si Jiro naman ang nagsabi na after his contract expired last July 31 sa Star Magic ay hindi na siya nag-renew pa. Ito ang sinabi niya sa talent coordinator ng pelikulang Green Paradise, kung saan siya ang gumaganap na kapatid ni Cristine Reyes. Ito rin ang sinabi ng dating child actor sa amin nang magkita kami sa Urian Awards last September 13.

Nililinaw ng Star Magic that Jiro will stay with ABS-CBN. Ito ang dahilan kung kaya't nasa Star Magic Catalogue 2008 pa rin siya at elevated na nga sa "Torch Bearers" where he is the youngest of the group, which includes Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Diether Ocampo, Rafael Rosell, Zanjoe Marudo, Carlos Agassi, and Dominic Ochoa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang tinatapos ni Jiro ang Green Paradise for New City Entertainment at magsisimula naman siya sa Manay Po 2 (Three Gays and a Baby), na sequel ng Manay Po ng Regal Entertainment.

Recently, finalist ang isang episode na nilabasan ni Jiro for Sineskuwela sa isang Japanese award-giving body. Nanalo naman ng Special Jury Award sa Almaty, Kazakhstan, sa 4th Eurasia International Film Festival ang indie film na Foster Child, kung saan isa sa mga artista si Jiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN