Vina Morales on pregnancy rumor: "I'm not yet ready to give up my abs!"

IMAGE 0


"Of course, I want to have a baby! Sino ba naman angayaw, di ba? Pero kung mangyari man ‘yon, sasabihin ko sa inyong lahatat hindi ko itatago. Promise!" says Vina Morales about the rumor that she is pregnant.



Kadarating lang ng singer-actress na si Vina Morales kagabi, October 3, from U.S. pero dumiretso na siya agad sa Guilly's restaurant, Quezon City, para sa grand launch ng Supah Dance, ang bagong dance album ng ASAP celebrity dancers. Isa si Vina sa featured stars ng naturang dance album ng Star Records.



Fresh from winning the grand prize sa kauna-unahang Asean IKON, ipinaliwanag ni Vina kung ano nga ba talaga ang naturang singing competition.



"Actually yung IKON Asian...well, sa IKON Philippines, kailangan professional singer ka, meron ka nang album. Marami ka nang napatunayan as a performer. Nang manalo ako rito, sa tulong din ng suporta ng mga Filipino, ng mga friends and after that, I competed with other countries [in Asia]. Nang dumating ako rito, I'm proud and I'm happy na tayong mga Filipino, magagaling talaga tayong kumanta at sumayaw," sabi ni Vina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Anu-ano na ang mga projects na natanggap niya pagkatapos niyang manalo sa IKON?



"For now, inaayos pa. It's still in process. May tatanggapin talaga ako. Pero for now, inaayos pa nilang lahat," saad ni Vina.



Kasama ba rito ang international recording?



"Actually, there will be a possibility na magkaroon ako ng album in Indonesia and Malaysia. I'm hoping na sana matuloy. I'm looking forward to that. Pero siyempre, ayoko rin namang umasa because of my schedules and I'm really back and forth dahil nga doon sa show ko na Showgirl. Ang daming nagre-request sa States, sa Europe... So, ang dami kong magiging show because of Showgirl since ang daming nag-aabang."



LIPAT-BAHAY?
Samantala, natawa si Vina nang tanungin ng PEP kung may katotohanan ang balitang may plano na raw siyang lumipat sa GMA-7?



"Lilipat sa Channel 7? Hindi naman... You know, I always loved ABS-CBN, my loyalty... Pero siyempre, you know, naghihintay ako ng work!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Of course, I'm thankful because God has given me concerts abroad. Lahat ng mga kababayan natin doon are always excited to see me kahit pabalik-balik ako doon. And another blessing yung IKON. I'm looking forward to another album, gusto kong mag-produce although hindi na kaya this year. Pero siyempre, I'm really hoping na magkaroon pa ako ng ibang work sa ABS-CBN."



PREGGY ISSUE. Samantala, binigyang-linaw rin ni Vina ang kumalat na balitang buntis siya courtesy of her rumored boyfriend Cedric Lee. Pero mariing itinanggi ni Vina ang isyung ito.



"Actually, nagulat nga ako. Kasi naman, nag-throw ako ng baby shower for my sister. Siguro yung mga invitations...yung mga tita ko, ‘Oy, you have to go to the baby shower of the sister of Vina.' Siguro, nakalimutan yung word na sister, baka baby shower ni Vina or si Vina nag-migrate na sa States!" natatawang kuwento ng singer-actress.



"Alam n'yo ‘yon, minsan talaga ang mga balita, kulang lang ng isang word, e, napapaiba na ang ibig sabihin. So, ABS has to call me para i-clear yung isyung ‘yon. E, that time, siyempre nagku-concert ako sa Texas. Sabi nila, ‘They keep on worrying, buntis ka raw!' Sabi ko, ‘Naku, hindi po ako magku-concert ng Showgirl kung buntis ako. Alam n'yo naman sa concert na ‘yon, binabalibag ako!'



"And I'm not yet ready to give up my abs," patuloy niya. "Katulad nga po ng sinasabi ko, matagal kong pinaghirapan ito."



Mas natawa si Vina sa sumunod na tanong kung kailan naman niya planong i-give up ang kanyang abs?



"I give-up ang abs ko? Ang abs ko talaga at hindi ang aking career!" tawa niya. "Alam n'yo, hindi ko masasagot ‘yan, makikita n'yo na lang kung lumalaki and that means, give up ko na nga ang abs ko. But right now, I am not, I am not..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon kay Vina, isa pa rin naman daw sa pangarap niya ay ang magkaroon ng baby, although right now, it's not her priority.



"Of course, I want to have a baby!" bulalas niya. "Sino ba naman ang ayaw, di ba? Pero kung mangyari man ‘yon, sasabihin ko sa inyong lahat at hindi ko itatago. Promise!

"Although right now, my priority is my show, yung Showgirl, kasi iniikot ko pa. Yung personal ko... Marami pa ang dapat ayusin and everything is still in the process. So, kapag naayos na siguro ‘oun, that would be the time that I'm ready."



VINA'S LOVELIFE. When it comes to her lovelife, tila hirap pa rin si Vina na magbigay ng diretsong pahayag tungkol dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa annulled ang kasal ng boyfriend niyang si Cedric sa una nitong asawa.



"Naku, right now, he is depriving his life. Ako naman, I am just waiting na maayos ang lahat ng proseso. Everything is in the process, so I'm secured. Let's just see, tingnan natin," pahayag ni Vina.



Gaano ba niya kamahal si Cedric?



"Tinanong ako noon, sinabi ko sobra. At kung gaano niya ako kamahal? Sobra rin!" sagot niya.



Nilinaw rin ni Vina ang lumabas na balita na nag-break at nagkabalikan sila ni Cedric.

"Wala akong sinabing nag-break or kami pa rin. But everything is in the process. Let's wait and see, abangan n'yo rin.



Apektado pa ba siya kung may mga tumatawag sa kanya as "the other woman"?



"Naku, matagal na namang isyu ‘yon... So hindi, I am not affected," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN