Eric Quizon temporarily leaves GMA-7 for ABS-CBN

IMAGE 0


After directing TV series for GMA-7, actor-director Eric Quizon has decided to return to acting and switch to ABS-CBN. "I know I'm going to direct again, but right now, mag-aartista muna ako," says Eric, who will play the title character's father in the soap opera Anna Liza.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Eric Quizon sa presscon ng Hide and Seek ng Regal Entertainment noong October 3 sa Imperial Palace Suites sa Timog Ave., Quezon City, at kinumpirma nito ang pansamantala niyang paglipat sa ABS-CBN. Ang remake ng Anna Liza ang first project niya sa Kapamilya network.

Pansamantala dahil babalik din si Eric sa GMA-7 para magdirek, pero matatagalan pa raw siguro ito dahil maraming offers sa kanya ang Dos. Ayon pa sa kanya, magpapahinga muna siya sa pagdidirek dahil napagod siya sa sunud-sunod na directorial jobs niya sa Kapuso network, na ang huli ay ang Asian Treasures nina Robin Padilla at Angel Locsin.


"Hindi naman ako mawawala sa GMA, nagpaalam ako sa kanila," paglilinaw ni Eric. "I wanna act muna, hindi ito masyadong mabigat na trabaho. Nang magpaalam ako, pumayag sila, pero sana raw sinabi kong gusto kong mag-artista. Kailangan pa bang sabihin ‘yon?



"At least ngayon, nakakaupo ako at nakakagamit ng cell phone. I have more time on my hands and it feels good. Pag may soap ka, ang laking demands sa oras and it requires too much work. Being the director, pati effects pakikialaman mo. Minsan, forty scenes in a day ang tatapusin mo. I've been doing it for four years, nakaka-drain talaga and if you have work the next day, you're spent. I know I'm going to direct again, but right now, mag-aartista muna ako," paliwanag ng anak ng Comedy King na si Dolphy.



Sa November ang simula ng taping ni Eric for Anna Liza, kung saan gagampanan niya ang role ni Lazaro, ama ni Anna Liza na unang ginampanan ni Augusto Victa. Si Maja Salvador naman ang gaganap sa papel na pinasikat ni Julie Vega sa soap opera na ipinalabas noon sa GMA-7. Eric doesn't mind playing father roles dahil 40 years old na siya, although he doesn't look his age.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Per project ang contract ni Eric sa ABS-CBN, pero dahil sa Anna Liza hindi niya natanggap ang offer na mapasama sa isang teleserye. Hindi na niya binanggit kung anong teleserye ang tinanggihan niya, pero isa-isa lang daw ang pagtanggap niya ng project at kasama rito ang pelikula.



"May offer ang Star Cinema, a movie with Kim Chiu and Gerald Anderson. May offer din ang Regal, Part 2 ng Happy Together na ang original ay ginawa namin ni Kris [Aquino] three years ago. Baka kasama rin ako sa Manay Po 2. So, after Hide and Seek and Bahay Kubo, may mga naka-lineup na rin akong movies," wika ni Eric tungkol sa kanyang very busy sked.



DOLPHY'S BOOK. Sa October 26, aalis papuntang States si Eric para dalawin ang ina at para asikasuhin ang itinayong Pinoy Pinay restaurant sa Vallejo, California. Hindi niya makakasama sa Pasko ang ina dahil entry sa 2007 Metro Manila Film Festival ang Bahay Kubo at kailangang narito siya sa Pilipinas. Plus, magte-taping nga siya ng Anna Liza at marami pang ibang trabaho.



"I'm also doing may Dad's book," dagdag ni Eric. "Hindi ako ang susulat, but I'm just on top of it. It's an autobiography, first person account. Siya [Dolphy] ang magsasalita at magkukuwento at ita-transcribe at ie-edit ni Bibeth Orteza. Next year ang labas ng book, pero wala pang title. Taglish siya, but we're also coming up with an English version.



"Inaayos din namin ang foundation ni Daddy at wala pa ring name. Inihahanda namin for next year na. There's so many things right now na dapat gawin. Actually, hindi rin ako makakapagpahinga nang husto, busy pa rin ako."

Sa nabalitaan ng PEP na kinunsider siyang mag-host ng Pinoy Idol ng GMA-7, sinabi ni Eric, "Lumabas ang name ko, pero walang sinabi sa akin. Hindi na umabot na i-offer sa akin ‘yon. Hindi ko alam at wala na rin akong balita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN