Studs members Felix Roco and Edgar Allan Guzman shed off wholesome image

IMAGE 0


Edgar Allan Guzman (left) and Felix Roco (right) are two of the Studs members who posed sexy for the 2008 calendar of X-Ray magazine.



Nakita na namin ang sexy calendar ng The Studs para sa X-Ray magazine. Marami ang magugulat sa mga sexy poses ng naturang grupo na binubuo nina Mike Tan, Dion Ignacio, Kevin Santos, Felix Roco, Edgar Allan Guzman, Lance Oñarte, JC Cuadrado, at ang bago nilang miyembro na si Coco Martin.



Hindi pa available ang naturang sexy magazine calendar. May launching pa ito sa November 16 sa Ratsky's Morato kasabay ng big show ng grupo titled The Studs... Live! Bukod sa launching ng grupo bilang performers, may magaganap pang fashion show.



Isang mapapansin sa X-Ray calendar ay ang seksing pangangatawan ng isa sa kambal na anak ni Bembol Roco na si Felix Roco. Masasabi ngang napaka-daring na ng 19-year-old Felix. Pero nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay hindi pa raw nakikita ng kanyang ama o ng kanyang kambal na si Dominic ang sexy pictorial niya.



"Pero alam naman nila na gagawin ko ito. Hindi ko lang sinabi kung anong klaseng pagpapa-sexy ang ginawa ko. Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksiyon ng Daddy ko at ni Dominic. Ayoko kasing magkuwento sa kanila. Gusto ko ay makita na lang nila. Full support naman sila sa akin, e," pahayag ni Felix.



Paano kung gayahin siya ng kambal niyang si Dominic sa pag-pictorial ng sexy? Okay lang ba sa kanya?



"Wala namang problema," sagot ng binata. "Depende naman sa kanya kung gusto niya talaga. Si Dominic kasi may pagka-conservative siya at ako naman adventurous. Pero kung kaya niya ang ginawa ko, then susuportahan ko rin siya. What are twins for, di ba?"



MR. POGI. Isa pang nagpaka-daring sa sexy calendar ng X-Ray ang Mr. Pogi 2006 na si Edgar Allan Guzman. Sa November ay 18 years old na si Edgar, kaya sa buwan na 'yon magaganap ang launch ng kalendaryo. Nagpaganda nga raw ng katawan si Edgar para hindi siya mapahiyang sumabay sa kaseksihan ng mga kasamahan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang gaganda po kasi ng katawan nina Mike, Dion, at Coco. Talagang kinarir nila ang kalendaryo. Siyempre, hindi ako nagpatalo. Pinayagan naman ako ni Tita Malou [Choa-Fagar, his manager] sa pictorial na ito. Kung noon ay patpatin ang tingin nila sa akin, magugulat sila sa ginanda ng katawan ko sa kalendaryo. Hindi sila magsisisi sa ibabayad nila," pagmamalaki ni Edgar.



Bukod sa kalendaryo ay isang magandang show ang ibibigay nila sa mga manonood sa Ratsky's. Patutunayan daw nilang pagkatapos ng mga workshops na dinaanan nila ay nahasa na sila sa pagkanta at pagsayaw.



"Matagal din kami nag-workshop at confident kami sa gagawin naming show. Dito nila mapapanood ang galing ng The Studs bilang mga performers," diin ni Edgar.



Nababalita rin na si Edgar ang bagong suitor ngayon ng StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto. Nang tanungin nga si Edgar kung totoong nanliligaw siya kay Iwa, matagal itong sumagot at sinabing kinakaibigan pa lang daw niya si Iwa.



Pero papunta na raw sa panliligaw ang ginagawa niya. Nakilala niya raw si Iwa sa set ng Showbiz Central noong i-launch ang mga bagong contract stars ng GMA Artist Center. Matagal na raw niyang type si Iwa at nang makita na niya ay pinakilala ng sarili.



"Cute kasi si Iwa," ngiti ni Edgar. "Type ko kasi ang mga chinita girls. E, bukod sa chinita, ang sexy pa ni Iwa, di ba? Pero wala pa namang ligawan. Friends pa lang kami ni Iwa. Hindi pa naman ako pumuporma nang todo sa kanya kasi maraming kalaban."



Pero hindi pa ba panliligaw ang ginagawa niyang ‘yon?



"Yeah, once pa lang pero hindi naman siya yung masasabing date talaga. Parang na-invite ko siya na lumabas lang at nagkataon na wala siyang work kaya pumayag siya. Pero may mga kasama naman kami that time kaya hindi siya solo date talaga," kuwento ni Edgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN