Ara Mina trusts Manny Pacquiao to defend her against intrigues

IMAGE 0


"Alam kong gagawin niya 'yon, na magsasalita siya para ako namanang idepensa niya sa tindi ng mga isyung naglalabasan tungkol sa amingdalawa... He's such agentleman, na alam kong pagdating niya at pag naayos na uli angshooting namin, idedepensa niya ako," says Ara Mina about Manny Pacquiao.



Kung mayroon mang isang taong malapit kay Manny "Pacman" Pacquiao ngayon na talagang nagdiriwang sa pagkapanalo niya sa laban nito kay Marco Antonio Barrera ng Mexico kahapon, October 7 (October 6 ng gabi sa Amerika), sa Las Vegas, Nevada, ito ay walang iba kundi si Ara Mina.



Si Ara ang leading lady ni Pacquiao sa Anak ng Kumander na entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Magre-resume sila ng shooting ilang araw pagkatapos makapagpahinga ng Pambansang Kamao at makabalik siya sa Pilipinas.

Simula kasi nang mag-shoot sina Ara at Manny ng Anak ng Kumander ay kung anu-anong intriga na ang lumitaw na kumukuwestiyon sa ugnayan nila.



"May isa nga akong manliligaw na nakipagtalo pa sa akin tungkol kay Manny, na kesyo nanganganib daw na ma-lost. Nakikipagpustahan nga ako, ayaw namang kumagat," natatawang kuwento ni Ara sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ilang oras pagkatapos ng laban ni Pacquiao kay Barrera kahapon.



"Ewan ko," patuloy ng aktres. "Affected ako kapag sinasabing matatalo si Manny dahil alam ko kaagad na liyamado siya, at ang umiiral sa akin kasi, yung pagka-Pilipino ko. For one thing, I know that he's a good person. Kaibigan ko siya kaya ipinagtatanggol ko siya."



BET FOR MANNY. May balita na kaya madaling uminit ang ulo ni Ara dahil sa malaki ang ipinusta niya kay Pacman; milyones daw. Naglakas ng loob si Ara sa "manok" niya sa nakaraang laban nito kaya hindi nito basta matatanggap kung sakaling matalo ito ng ganoon na lang.



"Hindi naman," pagtanggi ni Ara. "Okay lang kasi na magsalita sila against Manny kung may basehan. Pero para sabihin nang tiyakan na matatalo siya, bakit? Ano rin naman ang alam nila sa mangyayari? Hula ba 'yan?



"Mahirap talagang patulan kasi nang-iinis lang. Pero hindi dahil sa pumusta ako. Wala kasi akong ibang hangad kung hindi yung tagumpay ni Manny, lalo sa huli niyang laban. Naikukuwento niya kasi yung apprehension niya noong nagsu-shoot pa lang kami, at mabuti nga, nakapagsingit pa siya ng time sa shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"By that time, kailangan kasing naghahanda na talaga siya nang husto sa kanyang laban. That's why I'm very happy when, once again, he brought home the victory," sabi ni Ara.


Biniro tuloy namin si Ara na tiyak na may malaking balato siya from Manny sa pag-uwi niya sa Pilipinas.



"Wish ko lang, bahay at lupa!" at napahagalpak ng tawa si Ara. "Hoy, biro lang, ha! Kasi 'yan ang itsinitsismis sa amin, na sana nga nagkatotoo na lang para hindi ako namomroblema pa rin sa mga bayarin dahil sa ipinagpagawa ko ng bahay sa Don Antonio, Quezon City."



Pero tama na raw kay Ara ang simpleng request niya kay Manny.



"Alam kong gagawin niya 'yon, na magsasalita siya para ako naman ang idepensa niya sa tindi ng mga isyung naglalabasan tungkol sa aming dalawa. Ayoko kasing i-bother si Manny dahil may laban siyang dapat na mas bigyan niya ng importansiya kaysa mga intriga sa amin. He's such a gentleman, na alam kong pagdating niya at pag naayos na uli ang shooting namin, idedepensa niya ako.



"More or less, nararamdaman ko kasi na sa mga naglalabasang pagtatanggol sa akin na hindi ko inaasahan, nagbibigay na rin noon pa ng pahayag si Manny. Kaya lang, yung concentration nga kasi niya ay naroroon sa laban niya," banggit ni Ara.



Ang hindi lang talaga nagugustuhan ng sexy actress ay yung lumalabas na material ang motivation ng pagiging close nila ni Manny.



"Malaking tao na kung tutuusin si Pacman," banggit ni Ara. "Walang basta makakapantay sa pride na ibinigay niya sa ating bansa. Yun na lang, sapat na sa akin na nagkaroon ako ng kaibigang gaya niya.



"Besides, kaya lang kami natsitsismis nang ganito dahil may pelikula kami. I'm very sure, naiintindihan din 'yan ng misis niyang si Jinky, at wala kaming dapat na pag-usapan tungkol diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ako cheap na manghihingi ng kadatungan kay Manny. Pero kung kusang-loob niyang ibibigay at magkaibigan naman kami, well I don't see anything wrong with that. Masyado lang kasing eksaherado ang mga lumalabas," sambit ni Ara habang natatawa.



NATIONAL ANTHEM. Hindi na nga ang natuloy si Ara na umawit ng Philippine National Anthem sa laban ni Pacman kay Barrera. Marami ang umasang si Ara ang kakanta ng "Lupang Hinirang" dahil siya nga ang leading lady ni Pacman sa pelikulang ginagawa nila.



"Pacman has nothing to do with it," sabi ni Ara. "Nag-audition lang ako, nagbakasakali... Kung ako sana ang gusto sana ng GMA-7, gagawin ko talaga 'yan at tatanggapin ko. Kaso, hindi naman ako ang napili.



"Okay lang sa akin. Ginawang big deal lang 'yon ng mga tao. So, ang ibig sabihin niyan, pagdating sa ganyang mga bagay, hindi naman talaga si Manny ang nagde-decide. Yung laban lang naman dapat ang inintindi niya."

Gaya nga ng alam na nating lahat, si Kyla ang umawit ng "Lupang Hinirang" sa laban ni Pacquiao kay Barrera kahapon sa Las Vegas, Nevada.



HOMEOWNERS ASSOCIATION. Samantala, sa isyung inireklamo raw siya ng homeowners group ng Don Antonio dahil sa violations niya sa pagpapatayo ng bahay, nagulat na lang si Ara sa isyung ito.



"Wala namang ganoon," paglilinaw ni Ara. "Ipinatawag ako sa meeting para lang maipaliwanag sa akin ang mga kundisyones ng pagtira sa subdivision at ma-orient ako dahil bago pa lang akong resident doon.



"Wala akong violations kung tutuusin. Yung smoking area na ipinagawa ko ay sakop pa rin ng lugar na allotted for me, at hindi totoong nag-violate ako. Wala naman silang sinabi na parang reklamo sa akin. Ang sinabi lang nila at nilinaw, 'yung rules and regulations, para wala akong maging problema," pagwawakas ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN