Comedian Archie Alemania admits attempted seduction by sexy actress

IMAGE 0


"Pero wala pang definite date kung kailan namin gustong magpakasal.Basta darating din kami diyan. Basta sa ngayon, ipon muna kami,'" replies Archie Alemania when asked about wedding plans with live-in partner Mickey Ferriols.



Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Archie Alemania kahapon, October 7, para tanungin siya kung totoo ang naisulat na diumano'y madalas silang mag-away ngayon ng live-in partner niyang si Mickey Ferriols dahil daw sa pambababae niya.

"Nambabae ako? Imposible naman 'yon!" tanggi ni Archie sa kabilang linya.

Pagpapatuloy niya, "At this point of my life, hindi ko naiisip na mag-two time. Sa mga blessings na ibinibigay sa akin, bakit pa ako maggagago? Saka napakaliit ng showbiz para magggago ako.

"Kung hindi ako artista, kung dancer lang ako katulad ng dati, puwede akong maggago kahit saan ko gustong magpunta. Ngayon napakaliit ng mundo ko, makita lang na may kausap kang babae, paghihinalaan ka agad. Ako, umiiwas na ako talaga sa mga ganoon."

Aminado naman si Archie na marami pa ring tukso ang lumalapit sa kanya, pero iniiwasan niya na raw talaga ito.

"May isang sexy actress na nagbibigay ng motibo sa akin, pero hindi ko siya pinagbigyan. Sinabi ko na lang sa kanya, I have a wife and son, kaya sa iba na lang siya," kuwento ni Archie.

Ayaw nang sabihin pa ni Archie kung sino ang sexy actress na tinutukoy niya.

"Sa akin na lang 'yon. Ang clue na mabibigay ko lang is hindi na siya gaanong aktibo sa showbiz," sabi ng comedian.

"Binigyan niya ako ng calling card niya. Sabi niya, 'Call me! What are you gonna do tonight?' Tapos 'yon nga, sabi ko, ‘I can't. I have a wife and son.'"

Hanggang ngayon ay live-in partner pa rin sina Archie at Mickey. Kailan ba niya balak pakasalan si Mickey?

"Naku, matagal pa. Ipon muna kami," sagot niya.

Napapag-usapan na raw nila ni Mickey ang kasal. "Pero wala pang definite date kung kailan namin gustong magpakasal. Basta darating din kami diyan. Basta sa ngayon, ipon muna kami," sabi ni Archie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang madalas nilang pinagtatampuhan ni Mickey?

"Maliliit na bagay lang naman. Minsan pag tumatawag siya sa akin tapos hindi ko nasasagot, nagtatampo na siya, mga ganun. Akala niya naririnig ko yung tawag niya, pero ayoko lang daw sagutin. Kaya naman hindi ko nasasagot pag minsan kasi nagte-taping ako," kuwento niya.

Mainstay si Archie sa Lastikman na pinagbibidahan ni Vhong Navarro. Gumaganap siya rito bilang best friend ni Vhong, tulad din sa totoong buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN