Actress Jean Garcia keeps mum about experience in Surigao del Norte

IMAGE 0


A text message circulated last Saturday, October 6, saying that actress Jean Garcia was held hostage in Surigao del Norte, but the actress denied the report.



Kumalat via text message noong nakaraang Sabado, October 6, ang balita na may nangyaring hindi maganda sa aktres na si Jean Garcia nang magtungo ito para sa isang show sa Surigao del Norte. Ayon sa kumalat na text message ay na-hostage daw ang aktres dahil meron siyang hindi nakasundo doon.

Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tawagan at padalhan ng text message si Jean upang kumpirmahin ang naturang balita. Sumagot naman ang aktres pero sinabi nitong mali raw ang napabalitang na-hostage siya. Okay naman daw siya at pauwi na siya ng Manila the following day, Sunday (October 7).



Pero mula sa isang pinagkakatiwalaang source, hindi naman talaga na-hostage si Jean kundi may nang-harass daw sa kanya sa naturang probinsiya. Ang kuwento ng aming source ay humingi raw ng tulong si Jean sa malapit na police station sa Surigao del Norte at dito niya ikinuwento ang kanyang hindi magandang karanasan kasabay ng malakas na iyak.



Kahapon ay agad tumungo ang crew ng Showbiz Central para salubungin at interbyuhin si Jean sa Manila Domestic Airport. Dumating si Jean sakay ng Asian Spirit mula sa Surigao del Norte. Nang lumabas si Jean ay may dalawang police escorts siyang kasama. Nakatungo ang aktres at tila umiiyak pa habang papalabas ng airport.



Ang Showbiz Central lang ang nandoon para makunan ng video ang pagdating ni Jean. Nakasuot ng malaking sunglasses ang aktres, ngunit halatang umiiyak ito. Hindi rin niya napagbigyan ang TV crew na sumalubong sa kanya dahil sumakay kaagad siya sa kanyang van.



Naiintindihan naman ng Showbiz Central ang nangyari. Mukhang mahirap pa ngang makausap si Jean dahil sa nangyaring hindi maganda sa kanya sa Surigao del Norte.



Ayaw ring magsalita ng manager ni Jean na si Manny Valera, pati na ang ilang kasamahan at pamilya nito, kung ano ang tunay na nangyari sa aktres. Hintayin na lang kung kailan magsasalita si Jean tungkol sa hinihinalang harassment issue na ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ulit kunan ng pahayag ng PEP si Jean kahapon, pero hindi siya sumagot sa aming text message.

Samantala, nakakuha rin ng impormasyon ang PEP na humingi na rin ng tulong si Jean sa isang high-ranking public official from the region.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN