Claudine Barretto undergoes liposuction and breast reduction for showbiz comeback

IMAGE 0


"Siyempre para pagbalik ko [sa showbiz], talagang back dun sa dati kongkatawan, more than the fighting form, e. Mas pa. This time, talagangnagwu-workout na ako," says Claudine Barretto about her desire to lose weight in preparation for her showbiz comeback.



Aminado ang aktres na si Claudine Barretto na malaki ang nadagdag sa kanyang timbang nang siya ay magdalang-tao sa anak nila ng mister niyang si Raymart Santiago na si Rodrigo Santino. Umabot daw ng 60 pounds ang nadagdag sa kanyang timbang, pero 30 pounds naman ang agad na nawala nang lumabas si Santino. Ang naging problema niya lang ay kung paano tatanggalin ang natitirang 30 pounds sa kanyang katawan.

Dalawang buwan na ang lumipas nang manganak si Claudine. Hindi raw siya basta-basta makakapagpabawas ng taba, lalo na sa mga parteng apektado ng kanyang pagbubuntis, tulad ng tiyan. Kaya't naging masigasig daw siya sa pag-diet at pag-workout. Ikinuha pa raw siya ng personal trainer ni Dr. Vicki Belo sa gym para puspusan siyang matutukan sa pagpapayat.

THE FASTEST WAY. Tila gigil na gigil si Claudine sa taba sa kanyang katawan. Buntis pa lang daw siya kay Santino noon, kinausap na niya si Dr. Belo para iplano na ang kanyang liposuction sa oras na manganak siya.

Gustung-gusto na kasi ng aktres na maibalik ang kanyang pigura para maganda na ang kanyang pagharap sa kanyang trabaho.

Noong isang linggo ay natuloy na raw na i-lipo ang kanyang mga braso.

"Siyempre para pagbalik ko [sa showbiz], talagang back dun sa dati kong katawan, more than the fighting form, e. Mas pa. This time, talagang nagwu-workout na ako," pagmamalaki ni Claudine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa GMA News.

Mahabang kulitan daw ang naganap para payagan siya ni Raymart na magpa-lipo. Pero dahil ninang naman daw nila si Dr. Belo, nagtiwala na rin ang asawa.

Dapat ay magpapa-lipo rin ng hita si Claudine, pero hindi na raw niya itinuloy ito. Dadaanin na lang niya ang pagpapaliit nito sa pagdi-gym.

HEALTH AND VANITY. Hindi rin nagugustuhan ni Claudine ngayon ang labis na paglaki ng kanyang dibdib. Dahil sa pagbubuntis, normal lang daw na lumaki ito, pero hindi na raw maganda ang epekto nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga, hindi siya kumportable kasi medyo malaki and she has scoliosis. Yung likod niya sumasakit," paliwanag naman ni Dr. Vicki Belo.



"Yung bust ko kasi ngayon masyadong malaki, 'tapos yung likod ko sobrang liit kaya ang laki ng taba sa gilid. Tapos nahihirapan na ako sa laki niya," dagdag ni Claudine.

Kahapon, October 8, nagpunta si Claudine sa clinic ni Dr. Belo para sumailalim sa isang breast reduction procedure. Tumagal ang operasyon ng isa't kalahating oras.

Ayon sa mga doktor na humawak sa kanya, hindi naman maaapektuhan ang pagpo-produce ng gatas ni Claudine. Matapos niyang magpagaling, maaari pa rin niyang ipagpatuloy ang breastfeeding ni Santino.

Pero kahit pa raw huminto ang aktres sa pagbibigay ng kanyang gatas sa anak, hindi naman tatapusin ang supply nito.

"Member kasi ako ng La Leche League. May isang advocate namin, si Abby Yabut, siya ang magbibigay ng milk for Santino habang nagre-recover ako sa bust reduction. Ganoon talaga, yung mga mothers if they have enough milk, they share. Ako rin naman ganoon," kuwento ni Claudine.

Ang La Leche League ay isang worldwide organization na nagbibigay ng suporta at impormasyon sa mga ina na piniling magpa-breastfeed sa kanilang mga anak. ang mga miyembro nito ay maaaring magbigay ng kanilang gatas para sa anak ng mga ibang kasapi na walang kakayahan o nahihirapang magpasuso sa anak.

SANTINO'S DEDICATION. Halatang tuwang-tuwa rin si Claudine sa kanyang bunso. Kinikilig pa siya nang ikuwento sa amin ang set-up nila sa bahay ngayon.

"Santino is two months old na. Malaki na. Ang guwapo!" sabi ng proud mommy.

"Magkahiwalay kami matulog ni Raymart ngayon. Kasi kapag two a.m., lumilipat ako kay Santino. Sila ni Sabina ang magkatabi. Kasi si Raymart, hindi makatulog nang may ilaw. Siyempre yung baby, hindi naman puwedeng walang light pag natutulog. Biniro ko nga, ‘Ano ba, maghihiwalay na ba tayo?' Pero biro lang kasi kapag siesta, bonding time namin ‘yon," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang taon na raw ang dedication ni Santino para sabay sila ng kanyang Ate Sabina.

Ngayon pa lang daw nag-iisip na sila ng mga magiging ninong at ninang.

Ang mga napupusuan nina Claudine at Raymart na maging pangalawang magulang ng kanilang bunso sa showbiz ay sina Kris Aquino, Edu Manzano, Piolo Pascual, Diether Ocampo, Liz Almoro, at Robin Padilla.

HAPPY SISTERS. Labis namang natutuwa si Claudine dahil nanumbalik na ang closeness nilang magkakapatid. Halos araw-araw bumibisita si Marjorie Barretto sa kanyang anak, kahit wala siya sa bahay.

Ang Ate Gretchen Barretto naman niya ay aminadong noong ipinanganak si Santino ang una't huling pagkakataon na nakita nito ang bata. Pero naiintindihan naman ito ni Claudine.

"Parati kaming nagtatawagan. Sobrang busy kasi niya dahil nagpunta siya sa States with Tonyboy, di ba?" paliwanag ni Claudine.

Kilala si Gretchen bilang galante sa pagreregalo. Tinanong namin si Claudine kung ano na ang naibigay ng kanyang Ate sa bagong pamangkin nito.

"Alam mo, wala pa siyang regalo ni isa. Panawagan ko sa Ate ko, wala pa siya ni isang regalo. Oo nga ano, buti naitanong mo, matawagan ko nga siya para mapaalala ko!" patawang sagot ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN