Roxanne Guinoo comes to rumored boyfriend Jake Cuenca's defense

IMAGE 0


"Alam ko magkaibigan sila. Magkakilala sila pero wala naman silang past or anything. Alam ko wala," says Roxanne Guinoo (left) about the reported one-night stand between her rumored boyfriend Jake Cuenca (right) and Keanna Reeves (inset).


Sinabi ng young actor na si Jake Cuenca na ayaw na niyang patulan ang pasabog ni Keanna Reeves tungkol sa diumano'y one-night stand nila.



"Basta ako, I respect na lang everything she says. Let's just leave this na lang para wala rin naman akong masamang masasabi sa kanya. I don't wanna say bad things about her also, so I just leave this. I respect na lang everything she says," pag-iwas ni Jake sa panayam sa kanya ng The Buzz noong Linggo, October 7.

Matatandaang unang nag-deny si Jake tungkol sa napabalitang one-night stand nila ni Keanna, pero walang pag-aalinlangang umamin ang sexy comedienne na may namagitan nga sa kanila ng young actor.



Sa isyu kina Jake at Roxanne ay isa pang artista ang nadadamay. Ito'y walang iba kundi ang rumored girlfriend ni Jake na si Roxanne Guinoo.



"Yung trust naman namin ni Roxanne nandun, e," sabi ni Jake. "Tapos I told her naman everything she needs to know, and she trusts me and I trust her completely. So, yeah, right now we're okay naman. We're okay. But, yeah, I'm worried about her, pero we're okay naman."



Nagbigay rin ng pahayag si Roxanne bilang suporta kay Jake.



"Naniniwala naman ako na hindi totoo ‘yon," sabi ni Roxanne. "Nag-usap na kami ni Jake tungkol diyan... Ako, sobrang tina-trust ko si Jake. So, kung totoo man ‘yan o hindi, 'yon yung agreement namin. Yung past, past na ‘yan. Kumbaga, parang kunwari may issue mang ganun, hindi ko na sakop ‘yon, di ba? Kasi past niya na ‘yon, e. Pero wala, wala talaga."



Hindi rin naniniwala si Roxanne na magagawa ‘yon ng kaibigan niyang si Keanna sa kanila ni Jake.



"Si Ate Keanna kilala ko naman, e. Friend ko si Ate Keanna at tingin ko naman, may respeto naman siya sa aming dalawa [ni Jake]. I don't think kaya niyang gawin ‘yon...gumawa ng isyu para lang... Alam mo ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"And kay Jake, alam ko magkaibigan sila. Magkakilala sila pero wala naman silang past or anything. Alam ko wala," paniniwala ni Roxanne.



Natuwa naman si Jake nang malaman niyang ipinagtanggol siya ni Roxanne.



"I'm really flattered that she defended me. ‘Pasensya na, naipit ka. Alam mo naman ‘yan, e, na parang hindi naman kita masasaktan in any way. Basta yung trust mo sa akin, tsini-cherish ko ‘yan,'" pahayag ni Jake kay Roxanne.



Mabilis naman itong binigyang tugon ni Roxanne: "Jake, good luck! Career... ‘Yan part ‘yan ng career mo, dahil ‘yan, sobrang napag-usapan ka ngayon. Tanggapin mo na lang ganyan talaga. Pinagdaanan ko na ‘yan. It's your turn."



Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Roxanne para kay Keanna.



"Ate Keanna, wala lang. Kung hindi totoo, huwag na nating palakihin ang isyu. Respeto na lang natin sa isa't isa. Ako naman, naniniwala ako, hindi ‘yan totoo," sabi ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN