Marky Cielo survives robustly in showbiz after "StarStruck 3"

IMAGE 0


After winning as the first and only StarStruck Ultimate Sole Survivor, Marky Cielo has proven that he has what it takes to survive the showbiz industry.



Sa Top 4 ng StarStruck Batch 3, patuloy na humahataw ang career nina Marky Cielo at Iwa Moto, samantalang ang kanilang mga kasabayan na sina Jackie Rice at Gian Carlos ay bihira nang mabigyan ng mga proyekto.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marky, tinanong namin siya kung ano ang nararamdaman niya na halos wala na sa eksena si Jackie, at si Gian naman ay pasupo-suporta na lamang sa mga projects ni Marky, tulad sa Zaido: Pulis Pangkalawakan.

"Yun nga yung sabi nila na pagkatapos ng StarStruck, ang pinakamahirap na part nun yung surviving talaga, yung pagme-maintain," panimula ni Marky.

"Unang-una, masayang-masaya po talaga ako dahil pinagkakatiwalaan kami ng GMA-7, sa mga challenges sa pagiging artista, hindi lang yung mga tests, lahat-lahat na po. Sa lahat ng pagtatrabaho, ng pagiging artista, ‘ayun po, nasu-survive po namin. And malungkot po kasi, siyempre magkakasama po kaming pumasok sa industriyang ito, so parang iba rin po ‘yon."

Ayon kay Marky, huli silang nagkaroon ng communication ni Jackie nang minsang nagkausap sila at nagkumustahan sa telepono habang nagte-taping si Marky at nasa Olongapo naman that time si Jackie.

Sina Marky at Gian naman ay nagkikita pa rin sa mga tapings paminsan- minsan.

Mas nauugnay na nga si Marky sa Batch 4 ng StarStruck. Sa katunayan, ang mga kasamahan niya sa Zaido ay ang ang StarStruck 4 winners na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, bagama't kasama rin naman ni Marky ang mga ka-batch niya na sina Vaness del Moral at Arci Muñoz.

Sa Zaido ay karibal ni Marky si Aljur kay Kris. Sa tunay na buhay ba ay may rivalry ring namamagitan sa kanila ni Aljur?

Ayon kay Marky, sa harap lang daw ng kamera ang banggaan nila ni Aljur. Sa tunay na buhay ay may bonding na sila bilang matalik na magkaibigan dahil bukod sa Zaido, co-stars din sila ni Aljur sa Boys Nxt Door.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, dahil uso ang sexy pictorials among young male stars, tulad nina Mike Tan at Dion Ignacio—na gaya ni Marky ay produkto rin ng StarStruck—tinanong namin ang young actor kung handa na ba siyang magpaka-daring sa harap ng kamera, lalo na't hindi naman siya mapapahiya sa kanyang katawan. Kakayanin ba niya ang sexy pictorials na ginawa nina Mike at Dion sa 2008 Calendar ng X-Ray magazine, or ang nude photo shoot ni Dingdong Dantes sa Cosmopolitan magazine?

Sa ngayon daw ay hindi pa ready psychologically si Marky. Hindi pa raw niya kayang maghubad nang todo sa isang pictorial or eksena sa pelikula. Kahit physically raw ay hindi pa rin siya handa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN