Erik Santos promises to reconcile with ex-girlfriend Rufa Mae Quinto

IMAGE 0


"May dapat lang kaming ayusin—sa kanyang part at sa akin na rin—dahil pareho naman kaming may kasalanan sa breakup namin," says Erik Santos about possible reconciliation with ex-girlfriend Rufa Mae Quinto.



Inamin ng singer na si Erik Santos sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may nerbiyos siya nang um-attend siya ng celebrity premiere night ng Apat Dapat, Dapat Apat last Monday, October 8, sa Podium Cinema 1, Pasig City. Inimbitahan pala siya ng dating girlfriend na si Rufa Mae Quinto—na isa sa mga bida at co-producer ng pelikula—na manood at hindi naman siya tumanggi.

"Iba siyempre ang feeling dahil ‘yon ang first time naming magkikitang muli pagkatapos ng ilang buwan. And since bumalik ako rito [sa Pilipinas] for one and a half months na out of the country ako, kagabi lang kami uli nagkita.

"May excitement dahil hindi ko alam kung ano ang magiging feeling ko, pero si Pchie [palayaw ni Rufa Mae], hindi pa rin nagbabago, ang bait-bait niya talaga. Happy po ako for her kasi maganda ang movie nila, nakatatawa pero may puso," lahad ni Erik sa presscon para sa kanyang nalalapit na concert na Erik Santos... Solo at the Coliseum 2007 kahapon, October 9, sa Blackbeard & Seafood Island restaurant sa Araneta Center, Quezon City.

May pag-asa pa ba silang magkabalikan ni Rufa Mae?

"Opo, at least may hope pa ng balikan," mabilis na sagot ni Erik. "Nagti-text naman kami, nag-uusap sa cell phone kahit noong wala na kami. Nag-alala nga ako sa kanya nang malaman ko ‘yong nakawan sa bahay niya kaya tinext ko agad siya, nasa States pa ako noon. May dapat lang kaming ayusin—sa kanyang part at sa akin na rin—dahil pareho naman kaming may kasalanan sa breakup namin."

Hindi ba siya nagselos nang ma-link si Rufa Mae kay Billy Crawford?

"Medyo may selos po," pag-amin niya. "Siyempre, kapag ang babaeng minahal mo ay mamahalin na ng ibang lalaki, masakit din. Pero happy ako kay Peachy dahil dumarami ang kanyang mga suitors. Kagabi nga po ay ipinakilala kami [Billy and him] ni Pchie sa premiere night at okay naman kami. Sabi po naman ni Peachy, hindi raw niya naging boyfriend si Billy, friends lang daw sila talaga at naniniwala po ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong araw, October 10, ay 24th birthday ni Erik. Binati na ba siya ni Rufa Mae?

"Opo, nag-greet na po siya sa akin kagabi sa premiere night," sagot ni Erik. "Wala pa po siyang gift, pero hindi na po kailangan ‘yon dahil kahit naman po walang okasyon, kapag may nakita po siyang alam niyang magugustuhan ko, ibinibigay niya sa akin."

MAJOR CONCERT. Ayon kay Erik, priority niya ang kanyang major concert na gaganapin sa October 19 sa Araneta Coliseum, kaya pagkatapos nito, aayusin na niya ang relasyon nila ni Rufa Mae.

"Siguropagkatapos na ng concert ko. Sa ngayon kasi, naka-focus ako dito dahilmedyo mahihirap ang mga songs na kakantahin ko, mga songs na hindi kopa nakakanta sa mga naging concerts ko. Plus, sasayaw ako this time.Pero sisiguruhin ko po na magugustuhan ito ng mga manonood.

"Twenty-twosongs ang kakantahin ko, solo at duet with my special guests Sam Milby,The Company, Nyoy Volante, Danita Paner, and Ms. Ai-Ai delas Alas. Maynerbiyos din ako, siguro lalo na next week, dahil may kasabay po ako—yungconcert ni Jericho Rosales sa Music Museum. Next week na rin akomagkakaroon ng band rehearsals dahil pag-aaralan ko pa ngayon ang mgabagong areglo ng songs na kakantahin ko," kuwento ni Erik.

Manonood ba si Rufa Mae ng concert niya?

"Inimbita ko na po siya personally at nag-promise siyang manonood. Kahit daw mga friends niya, sinasabihan niyang bumili ng tickets for my concert. Alam ko po na tutulungan niya ako talaga. Iyon po ang wish ko sa birthday ko, na sana mapuno ko ang Araneta Coliseum at maging successful ang show."

CONJUGAL PROPERTY? May sinabi si Rufa Mae noon sa presscon ng Apat Dapat, Dapat Apat na may nagli-link pa rin sa kanilang dalawa ni Erik even after their breakup—isang property sa West Groove, Sta. Rosa, Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mayroon nga po kaming hinuhulugang lote, almost 1,000 square meters ‘yon. Noong nag-break po kami, sinabi ko sa kanyang ibebenta ko na lang sa kanya yung share ko, pero hindi pa rin namin napag-uusapang mabuti. Pero nagbago na po ang isip ko ngayon, hindi ko na ibebenta. Nasabi ko lang na ibebenta ko sa kanya ang share ko dahil naging emotional ako after the breakup.

"Pero two pieces of land po ‘yon na magkatabi. Si Ate Sharon [Cuneta] pa nga ang nagsabi sa amin na may lote na malapit sa kanila na ibinebenta at kinuha nga namin. Tinulungan kami ng bangko sa pagbili nun at naghuhulog na lang kami sa bangko every month," kuwento ni Erik.

If ever ba na maging sila pa rin, doon na nila itatayo ang magiging bahay nila?

"Siguro po. Lahat-lahat po ay pag-uusapan namin ni Pchie kapag natapos na ang concert ko," pangako niya.

End of October ay ire-release na ng Star Records ang first Christmas album ni Erik na All I Want This Christmas. Bago matapos ang 2007, ire-release naman ng Star Records ang isa pa niyang studio album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN