Biboy Ramirez: "Jackie Rice is not pregnant and we're not living-in."

IMAGE 0


Jackie Rice's rumored boyfriend Biboy Ramirez dispels rumors that the StarStruck Batch 3 winner is pregnant and that they are already living together.



Nagsisibalikan nang muli ang halos lahat ng StarStruck girls from batches one to four. Namamayagpag pa rin sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Katrina Halili, at Cristine Reyes of batch one; sina Ryza Cenon and LJ Reyes of batch two; Iwa Moto, Arci Muñoz, and Vaness del Moral of batch three; and Kris Bernal, Jewel Mische, Rich Asuncion, Stef Prescott, and even Jesi Corcuera of batch four. All of them may soap and regular show.

Ang tanging non-visible na lang ngayon ay ang third StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice.

Maraming haka-haka tungkol sa kalagayan ni Jackie ngayon. Balitang nagli-live-in na raw sila ng rumored boyfriend niyang si Biboy Ramirez at nasa "interesting stage" na siya ngayon.

Minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kausapin diretso si Biboy about this. Tinanong namin si Biboy sa pamamagitan ng text message kung buntis ba talaga si Jackie at kung totoong nagli-live-in na sila.

Tumawag sa amin si Biboy to clear this up.

"Hindi po, hindi buntis si Jackie. Ang sexy niya nga ngayon," unang pahayag ni Biboy.

"Hindi rin po kami nagli-live in. Ang tatay niya po ang kasama niya sa bahay. Tumulong lang po akong maghanap ng bagong bahay para sa kanila, pero sila ng tatay niya ang magkasama. Amerikano po ang tatay ni Jackie, strict 'yon kaya hindi puwedeng mangyari na mag-live-in kami," paliwanag ng young actor.

Hindi masagot nang tuwiran ni Biboy kung sila pa rin ni Jackie.

"Lately din po, once a week na lang kaming magkita, minsan once in two weeks. Busy na po kasi ako sa pagpa-practice para sa Mano-Mano [a reality show in ABS-CBN to be hosted by Cesar Montano]. Hindi po katulad dati na almost everyday nagkikita kami," sabi ni Biboy.

Tinanong namin si Biboy kung bakit hindi man lang tumatanggap ng trabaho si Jackie kahit guest spot lang. Ayon sa kanya, nagtatampo raw si Jackie sa GMA Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isip-bata pa kasi si Jackie, saka spoiled 'yon," banggit ni Biboy. "Gusto niya she gets her way. Nagagalit siya kapag may mga nababalitaan siyang tsismis sa kanya na hindi totoo. Napipikon siya sa mga tsismis. Sana raw ini-screen ito ng GMA Artist Center or ipinagtatanggol siya. Kaya ang ginagawa niya, hindi siya tumatanggap ng trabaho."

Balitang nakipag-meeting si Jackie sa Artist Center last week.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN