Young sexy actress Iwa Moto resumes work after surgery

IMAGE 0


A few days after undergoing surgery to remove her appendix and ovarian cyst, young actress Iwa Moto resumes taping for the soap opera Kung Mahawi Man ang Ulap.



Kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, October 8, sa telepono ang handler ni Iwa Moto na si Cris Ojeda. Napag-alaman naming lumabas na ng ospital ang young actress noong Linggo, October 7.

Matatandaang last week, October 3, ay na-confine si Iwa sa Perpetual Help Medical Center sa Las PiƱas dahil sa appendicitis. Isang appendectomy ang isinagawa kay Iwa, kasabay ng pagtatanggal ng isang cyst na nadiskubre malapit sa ovary ng StarStruck graduate.

"Kagagaling ko nga lang sa bahay ni Iwa, pero tulog siya. Hindi ko na ginising para makapagpahinga," pahayag ni Cris sa PEP nang kumustahin namin sa kanya si Iwa.

Ayon pa kay Cris, madalas ay tulog si Iwa dahil sa mga gamot na iniinom.

Pero nalaman din namin sa handler ni Iwa na ngayong araw, October 10, ay magte-taping na ulit si Iwa para sa Kung Mahawi Man ang Ulap. Importante ang role ni Iwa sa naturang Sine Novela ng GMA-7 dahil siya ang primera contravida dito bilang si Rita, na nagpapahirap kay Catherine (Nadine Samonte).

Nakapagpahinga na naman daw nang husto si Iwa kaya ready na itong mag-taping, lalo pa't may kukunan nang mga eksena niya na for airing.

Si Iwa pa nga raw ang nag-volunteer na mag-taping na siya. Ayaw kasi ng young star na maging sanhi ng aberya sa takbo ng kuwento ng kanilang soap opera. Halos isang linggo siyang nahinto sa pagte-taping dahil sa hospital confinement niya.

Isa pa, sa Alabang lang ang taping ni Iwa, malapit sa kanyang bahay, kaya hindi masyadong mapapagod ang sexy young actress.

Kasali rin si Iwa sa Zaido: Pulis Pangkalawakan, pero wala pa siyang naka-schedule na taping days para sa fantaserye. Pinagbibidahan ito nina Dennis Trillo (na kasama rin ni Iwa sa Kung Mahawi Man ang Ulap), Aljur Abrenica, at Marky Cielo.

Inaasahang mas lalo pang makakapagpahina at makaka-recover si Iwa bago sumabak sa mga action scenes niya for Zaido. Isang amasona ang papel ni Iwa rito, kaya marami siyang gagawing stunts at action routines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN