Gian Magdangal fully supports Sheree in her daring roles and sexy image

IMAGE 0


"She's doing it as part of being an actress. I'm proud of that. Hindi naman siya gumagawa ng mga kababuyan," explains GIan Magdangal about the sexy image of girlfriend Sheree.



Kung naiba-ibang lalaki lang siguro na taga-showbiz itong si Gian Magdangal, makikita rito ang disgusto kahit paano sa pagkakaroon ng girlfriend na sexy star. Masyadong bloated ang male ego na pinaiiral ng maraming artistang lalaki, but Gian is not at all bothered.



"Bakit hindi? Kasi hindi ko naman iniisip na negative ang pagka-sexy ng image ni Sheree. She's doing it as part of being an actress. I'm proud of that. Hindi naman siya gumagawa ng mga kababuyan," paliwanag ng Philippine Idol finalist sa premiere night ng pelikulang RoXXXanne, na pinagbibidahan ng girlfriend niya na si Sheree, kagabi, October 10, sa UP Film Center, Quezon City.



Hindi makitid ang utak ni Gian para hindi matanggap na trabaho lang ang ginagawa ng kanyang girlfriend, despite the fact that he himself is starting on the right foot as a wholesome idol.



"Wala kaming planong basta i-deny ang relationship na ito," sabi ni Gian. "Hindi namin iniisip na itago, but just be discreet about it. Okay, alam ng mga tao na mag-on kami, pero hindi ito ang dapat naka-focus sa amin dahil may kanya-kanya kaming image at career, di ba?



"Pero sa showbiz, pag-uusapan at pag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'yan, kaya ano ba ang magiging problema namin? We just want to be ourselves, and enjoy our relationship. Huwag na lang basta intindihin ang sasabihin ng iba, basta ba wala kaming natatapakang ibang tao," paliwanag ng singer.

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Gusto raw ni Gian na suportahan si Sheree in whatever way he can. Kung kaibigan nga lang niya, nasusuportahan daw niya, ito pa kayang girlfriend niya?



"Parang ang pangit naman na dahil lang sa sexy ang pelikula, ayoko nang panoorin," sambit ni Gian. "Doon kasi sa nagsasalita ng kung anu-ano against RoXXXanne, panoorin na muna kasi nila ang pelikula at saka nila ako balikan. I am confident na wala na silang masasabi pa, kasi noong ginagawa pa ni Sheree ang movie, napapag-usapan na namin 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At pinagkatiwalaan ko siyang mabuti, and I should be very supportive. Hindi ko naman dapat yatang sabihin sa kanya na tigilan na niya ang pagpapa-sexy, kasi that's part of her being an actress. She wants to be taken seriously also, at depende pa rin 'yan sa gagawin niyang projects. Jun Lana ang writer at direktor nila, so dun pa lang, I should be confident na matino at maganda ang kalalabasan ng pelikula.



"I don't have the right to tell Sheree what and what not to do. Alam niya ang ginagawa niya sa pag-aartista niya. The same way na hindi niya basta sasabihin sa akin, dapat na ang kinakanta ko rock o kaya R&B, and hindi naman 'yon ang forte ko. Respetuhan lang naman 'yan sa choices, and these things have nothing to do with our personal relationship," paglilinaw ng singer.



Nilinaw rin ni Gian ang balitang nagbabantay siya sa set ng RoXXXanne.



"Masyado naman akong abala para magbantay pa sa set," natatawang sabi ni Gian. "Mga isa o dalawang beses lang akong dumaan sa set dahil wala naman akong ginagawa, at hindi para magbantay. Umalis din ako agad dahil ang gusto ko lang makita si Sheree at magkausap kami."



PHILIPPINE IDOL ON GMA-7.
Samantala, natutuwa si Gian dahil ang Philippine Idol ay nasa GMA-7 na, kung saan masasabing Kapuso itong si Gian dahil regularly ay napapanood siya sa SOP.

Naitanong namin sa kanya kung may panghihinayang ba na sana, ang naunang Philippine Idol ay hindi sa ABC-5 umere kung hindi sa isang malaking network gaya ng GMA-7?



"Walang panghihinayang, basta mas natuwa lang ako na ang susunod na Philippine Idol, nasa GMA-7. Kasi nasa GMA-7 na rin ako kaya hindi ako dapat manghinayang, di ba? Actually, may halong lungkot din dahil nawala na sa ABC-5, e. Kami noon, masaya kami sa pagsisimula ng Philippine Idol dahil nagtiwala rin kami sa ABC-5 noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Magkakaroon lang ng pagbabago sa pamamalakad. Dahil noong nasa Singko pa ang Philippine Idol, I'm very sure may mga mababago ngayong nasa Siete na—and it should be for the better," banggit ni Gian bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN