Willie Revillame resumes hosting "Wowowee" despite health problem

IMAGE 0


Wowowee host Willie Revillame was forced to resume hosting his noontime show after his reliever, John Lloyd Cruz, also fell sick. "Dahil mahal ko kayo, kaya kahit pinagbabawalan ako ng mga doktor ko, nandito ako ngayon," says Willie to his studio audience.



Hindi pa pala dapat maghu-host ng Wowowee si Willie Revillame kahapon, October 11, pero dahil nagkasakit din si John Lloyd Cruz na humalili sa kanya noong Wednesday, October 10, kinailangang magtrabaho na ni Willie dahil wala nga namang maghu-host ng show.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Willie sa studio ng ABS-CBN kahapon, sabi nito na nakita raw ng mga doktor niya na may mga gasgas na ang kanyang lalamunan at may ulcers na rin siya sa bituka. Hindi rin daw normal ang rate ng kanyang heartbeat. Pinayuhan daw siya ng mga doktor na magpahinga hanggang apat na araw.



"Pero walang maghu-host ng show. At dahil mahal ko kayo, kaya kahit pinagbabawalan ako ng mga doktor ko, nandito ako ngayon," pahayag ni Willie sa kanyang studio audience.



Aminado rin si Willie na abnormal ang kanyang pagkain. Hindi raw siya nag-aalmusal at nagla-lunch. "Isang beses lang ako kumain sa isang araw," sabi pa ni Willie.

Masyado raw kasi siyang concentrated sa kanyang trabaho, kaya pati ang pagkain ay nakakalimutan niya.



"Pero wala palang kuwenta na nakukuha mo ang lahat, pero nagsa-suffer naman ang kalusugan mo. Kaya payo talaga sa akin ng mga doktor, magpahinga muna ako," saad ng TV host.



Halos tatlong oras tumatakbo ang Wowowee at kahit na may mga co-host si Willie, sa kanya pa rin naman nakatoka ang mga main portions ng show.



"Kaya yung pagsigaw-sigaw ko, nagasgas na yung lalamunan ko," dagdag ni Willie.



Samantala, puring-puri naman ni Willie si John Lloyd. Biro pa nga nito, "Malapit mo nang makuha ang style ko!"

Heto pa ang nakakatuwang tip ng TV host. Dapat daw ay maging "chickboy" si John Lloyd. "Kaya yung mga itinatago mo diyan...ilabas mo na! Dapat ay magkaroon ka ng suspension [mula sa MTRCB]. At dapat ay ma-terminate ka ng dalawang beses [sa ABS-CBN]," biro ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero seryosong bawi naman nito, "Diyan mo kasi matutunan ang mga leksiyon sa buhay."



Ayon kay Willie, magkakaron din daw ng world tour ang Wowowee sa mga susunod na buwan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN