Ehra Madrigal makes extra effort to look seductive in acting roles

IMAGE 0


"Sabi nila, mukhang maamo daw yung mukha ko, na parang yung katawan kolang yung sexy daw. So, parang minsan medyo effort talaga na mas mukhakang sexual," says Ehra Madrigal.



Kung paseksihan ang paguusapan, hindi magpapahuli si Ehra Madrigal. Considered as one of the sexiest young female stars in showbiz, hindi kataka-taka na laman si Ehra ng pantasya at malikot na pag-iisip ng mga kalalakihan.

Okay lang ba kay Ehra na may malisya at pagnanasa kapag tinitingnan siya ng mga lalake?

"Hindi ko po alam, e. Hindi ko alam kung matutuwa ako na ganun yung tingin nila. Kasi minsan, yung iba, naa-appreciate ka lang nila na parang, ‘Wow!'

"E, yung iba, baka mamaya yung iniisip na nila, ganito or ganyan, or akala nila porke't ganito ang image ko, baka iba na ang laman ng isip nila," pahayag ni Ehra sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kung titimbangin niya ang kanyang sarili bilang babaeng malakas ang sex appeal sa mga kalalakihan, sa palagay ni Ehra, "Parang yung sexual aura, ang feeling ko, mas malakas yung sa iba. Parang ako, nag-e-effort pa ako para mas mukhang seductive.

"Pero sabi naman nila yung sexual aura ko, nasa loob daw, na even if... Like, I'm wearing a shirt lang and pants, iba ang nakikita nung ibang guys. Hindi ko din alam, kasi hindi naman ako lalake, so hindi ko din masasabi.

"Pero yung iba kasi, sa mata pa lang, alam mo na. Ako minsan, parang nag-e-effort pa kasi feeling ko... Sabi nila, mukhang maamo daw yung mukha ko, na parang yung katawan ko lang yung sexy daw. So, parang minsan medyo effort talaga na mas mukha kang sexual," paliwanag ng sexy actress.

So, hindi siya gaanong nagpo-project?

"Hindi," sagot niya. "'Pag kailangan sa roles or sa TV, project talaga. Pero pag normal, feeling ko, parang bata pa rin ako na binigyan lang ng katawan ng babae! Kasi ang childish ko pa rin, e.

"Mas nag-aayos lang ako or nagbibihis whenever may mga showbiz functions sa TV, ganyan. Pero pag kunwari sa bahay, as in parang naka-Chuck Taylor lang ako, jeans or shirt, as in sobrang cowboy lang, parang laid back na porma lang, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EHRA VS. KATRINA. Ano naman ang masasabi niya sa pagkukumpara sa kanila ni Katrina Halili?

In terms of being sexy, ano sa palagay ni Ehra ang advantage niya over Katrina and vice versa?

"Si Kat, yung pagiging sexy niya kasi parang feisty," sabi niya. "Yung alam mong nandun na, hindi niya kailangang mag-effort. Tumayo lang siya, yung mata niya...yun yung gusto ko kay Katrina, yung mata niya marunong makipagusap, makipag-flirt... Maganda, e.

"Yung sa akin, parang minsan in terms of dun, medyo nag-e-effort pa. Or yung iba, sabi nila, ‘Hindi, sexy ka na ng ganyan.' Pero yung sa kanya kasi, siya yung masasabing mong sexy, si Kat.

"Ako, yung pagka-sexy ko, nasa more on voluptuous side; parang sina Ate Ara [Mina], sina Francine [Prieto]...na parang sexy na malaman, parang ganun."

Muling masisilayan ang kaseksihan ni Ehra sa action series ng GMA-7 na Kamandag, kung saan makakasama niya ulit si Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN