Ara Mina hurting over intrigues and Manny Pacquiao's silence

IMAGE 0


"Nakakapagod na, e. Nakakairita na nakakapagod kasi ako lang angdumedepensa sa sarili ko and my family. Samantalang yung ibanananahimik lang. Pero hindi ako galit. Hindi ako galit sa kanila.Affected ako, nasasaktan ako," says Ara Mina about rumors linking her to Manny Pacquiao.



Biglang nagkaroon ng dance rehearsal at recording ang sexy actress na si Ara Mina kahapon, October 12, sa ABS-CBN para sa guesting niya sa ASAP ‘07 bukas. Pagkatapos ng kanyang rehearsal ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara.

Diretsahang inamin ni Ara na pikon na pikon na siya sa isyu ng bahay niya sa Don Antonio Royale na ibinigay diumano sa kanya ng boxing champ na si Manny Pacquiao.



"If you remember, natsismis na nagbebenta ako ng bahay dati. Tapos mga ano pa, before election, so akala nila naghihirap ako or something kasi naging word of mouth, e. Ang hindi nila alam, kaya ko ibinebenta yung dati kong bahay kasi I was planning to buy that house na pag-aari ng uncle nga ni John [James Uy, Be Bench grand finalist]. So, in-apply ko ‘yon sa bank bandang March.

"Kamuntik na akong hindi ma-approve, pero kumpleto ako ng documents. I have a capacity to pay the monthly bill. Kasi ang akala nila, ang tsismis noon tatakbo ako [sa eleksiyon]. ‘Baka naman gagamitin mo sa eleksiyon yung perang nilu-loan mo?' sabing ganun.

"Pero napatunayan nila na hindi talaga ako tatakbo. Na sinamahan ko lang ang Dad [Chuck Mathay] ko na mag-file. Then, I think March 28 na-approve ang loan ko. Tapos April 28 lumabas yung loan ko and yung kinita ko nung election, ‘yon yung idinagdag ko na pambayad sa bahay.

"Nag-earnest money ako ng one million dahil rumaraket ako sa iba-ibang provinces. So, nag-start kami ng movie July. Kaya kailangan ko pa bang i-explain isa-isa? Ibinenta ko yung Mark III ko. Ibinenta ko yung Expedition ko and ako, ma-sentimental akong tao. If I have instant cash, e, di sana hindi ko na ibebenta ang first house ko. That's my lucky house, remember?

"Yun ang sinasabi ko na suwerte kong bahay. Hindi nga lang masyadong suwerte sa lovelife, di ba? Pero masyado lang foul. Kasi yung ibinibintang sa akin, baka naman hindi sa akin nangyayari. Baka sa ibang tao nangyayari at hindi sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ako, even yung mga bagong sasakyan na sinasabi, oo, may bago akong saasakyan. Pero may utang pa ako doon kasi hinihintay ko pa yung bayad ng house. Nabenta ko na yung house, e. Nag-down lang ako.

"Dinispose ko yung dalawang cars ko, but it's not a Land Cruiser. So, hindi kailangan manggaling sa akin kung anuman yung nalalaman ko," mahabang kuwento ni Ara.

ISSUE WITH MANNY. Tatapusin pa rin ba niya yung pelikula nila ni Manny na Anak ni Kumander sa kabila ng mga intriga sa kanila?

"Tatapusin ko, being a professional artist. Tatapusin ko and sana lang ipagtanggol lang ako," may hinanakit na sabi ni Ara.

Sino ang dapat magtatanggol sa kanya?

"Si Manny," diin ni Ara. "Kasi ako yung ipit, e. ‘Tsaka hindi naman totoo na binigyan niya ako ng bahay."

Bakit hindi niya tawagan o i-text man lang si Pacquiao para maipagtanggol siya?

"Hindi, hindi ko rin tina-try siyang tawagan o i-text kasi for me, parang wala lang. Mabait si Manny... Hindi ko alam, I don't know. Baka may nagsusulsol or something. And kilala ninyo ako sa showbiz, pagdating sa pera, hindi ako ganun. Kausapin mo ako, mag-show, kunwari kailangan mo lang ng tulong ko kahit walang bayad, ganun ako, e," sabi ng sexy actress.

May isyu na gimik lang daw ito para sa movie nila. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, for me it's not a good promo for the movie," sagot niya. "Nakaka-damage na sa image ko and kumbaga, hindi ko rin naman intension na makasira ng pamilya. Sana lang tigilan na lang din kami kung sinuman yung nagsusulat."

Dehadong-dehado raw talaga ang labas ni Ara sa isyu sa kanila ni Pacquiao. Negatibo tuloy ang dating ng kanyang imahe sa publiko.

"I'm not guilty for any accusation na sinasabi ng mga diyaryo. Sana lang yung ibang tao, imbes na pag-iwasin kami nina Jinky, nina Manny, gumawa sila ng way para makilala namin ang isa't isa, di ba? Kasi, nasa iisang lungga lang tayo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paano kami magpo-promo ng pelikula kung ganyan? Even sa mga events, I'm not invited. I'm not invited pero halos lahat ng mga stars ng Siete invited. So, parang nao-OP [out of place] ako. I'm not welcome anymore," sabi ni Ara na ang tinutukoy ay ang grand welcome party ni Manny sa GMA-7 at ang birthday party ng anak ng boksingero na si Princess.

"That's how I feel right now," sabi ni Ara. "Kasi, wala, e. Pansinin ninyo kahit saan na mga interview nila, never na-mention ang name ko. Parang wala lang.

"Kung sinuman ang gumagawa nito, sana masaya na ako. Sana masaya na kayo sa nagawa ninyo na pati ang Mommy ko kamuntik nang masugod sa hospital dahil sa sama ng loob. Kasi matanda na, e. Parang naha-high blood siya kapag nakakabasa siya ng mga isyu sa dyayro.

"You know what? Kung binigyan ako ng bahay, hindi ko na ilalagay sa TV, ipapa-feature. Bakit ko pa ipapa-feature sa TV? Kasi I'm proud of it. Pinaghirapan ko. Kung ibinigay siya sa akin, itatago ko na lang. At kung may ibinigay siya [Manny] sa akin na sasakyan, e, ano man lang na hindi ko siya gamitin for a while.

"At hindi naman sa pag-aano, kung talagang magiging masama na rin ang tingin ninyo sa akin, e, di sana sa Ayala, Alabang, na ako nagpabili. Hindi 320 sq.m. E, di sana 1,000 or more than that, di ba?

"So, sana lang, huwag lang kayong maniwala, Jinky and Manny. I hope sana matapos na ‘to. I mean, nagtrabaho naman ako nang maayos," sabi pa niya.

FEELING HURT. Gaano ito kasakit para sa kanya?

"Naku, Dyusko kung alam n'yo lang! Ano lang naman tayo, tao lang naman tayo kaya normal lang na nasasaktan tayo. Parang ano lang, isang salita lang ang kailangan ko. Dyusko, ayokong umiyak, huh! My God!" pigil ni Ara sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Request ni Ara na sana ay magsalita naman daw si Pacquiao at pabulaanan na hindi totoo ang tsismis sa kanila.



"E, yun lang, isang salita lang para malinis ang pangalan ko kasi walang katotohanan lahat," ani Ara. "Alam naman niya, matalino ‘yan, e. Kapag nagsu-shooting kami bumibilib nga ako sa mga ideya niya, e. So, alam ko na alam niya kung ano ang dapat niyang gawin. I'm just waiting just to clear my name."



On Jinky, alam naman daw ng misis ni Pacquiao ang number ni Ara. Kaya kung may gusto raw itanong sa kanya si Jinky ng diretso, very willing si Ara na kausapin at makipagharap sa kanya.



Hindi naman napigilang umiyak ni Ara nang tanungin na siya tungkol sa kanyang ina na si Frances Klenk.



"Sa Mommy ko, relax ka lang diyan. Ayokong umiyak," pagpipigil ni Ara.



"Sabi ko na nga ba, e," kasunod ng pagluha ni Ara.

"Hindi ako plastik, okay. Hindi acting ‘to or something. Pinipigilan ko nga, e. Sana lang, matapos na ito kasi hindi maganda for me and for my family. Everywhere I go, parang ang tingin sa akin, totoo nga.

"May dignidad naman ako, so may sarili rin akong pera bago ko nakilala si Manny. Naiiyak lang ako for my Mom kasi nasasaktan siya. Parang hindi ko siguro mapapatawad kapag napano ang Mommy ko. Kapag may nangyaring masama sa Mommy ko dahil sa mga ginagawa nila.

"Tigilan na lang nila," pakiusap niya. "Tigilan nila kahit alang-alang sa Mommy ko at ang family ko, yun lang. Nakakapagod na, e. Nakakairita na, nakakapagod kasi ako lang ang dumedepensa sa sarili ko and my family. Samantalang yung iba nananahimik lang. Pero hindi ako galit. Hindi ako galit sa kanila. Affected ako, nasasaktan ako."



ARA'S DEFENSE. Hindi naman naniniwala si Ara na hinusgahan na siya agad ni Jinky. In fact, napanood daw niya yung interview ni Jinky at sinabi ng misis ni Pacquiao na hindi siya naniniwala sa tsismis sa mister niya at kay Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sana kapag may nanulsuol sa kanya, iano rin niya na hindi siya naniniwala. Na huwag na niyang pakinggan ang ibang tao. Ang pakinggan niya ang kanyang asawa. Pakinggan niya ang sarili niya.

"Marami pang ibang lalaki dito. Kumbaga, hindi ako hayok sa lalaki, di ba? Ang pangit ng word, di ba? So, parang wala lang, at gusto kong ipatatak sa tao: hindi ako mukhang pera. Hindi ako mukhang pera dahil kung alam n'yo lang kapag nagkakaroon ako ng boyfriend, medyo ako pa yung mas generous.

"Kasi ganun ako, e. Ganun ang Taurus. Ganun ako pinalaki. Kahit naman sa mga kaibigan ko. So, yun ang ano ko, pagdating sa pera... Maraming nanligaw sa akin na mga bata, mga binata, mga talagang mayaman na masasabi natin, pero hindi ko pinapatulan."

Dapat bang humingi ng apology si Manny sa kanya?

"Hindi naman niya kailang mag-aplogize sa akin dahil I'm sure hindi rin naman niya gusto ito. Kumbaga, isang salita lang from him na tigilan na ako dahil hindi nga totoo. Masyado nang naging below the belt ang intriga.

"Kung for the movie, for promo ng movie, nagkakaroon na ng personal na hindi na maganda. So, paano pa kami magpo-promote together kung ganun, di ba? Ang hirap, e. Kung ngayon pa nga lang ayaw kaming pagsamahin sa mga show, sa mga guesting, what more pa kaya sa pagpro-promote? So, I don't know what will happen sa movie. Marami na akong nakasama na mga action stars at profesisonal na artista, pero hindi umabot sa ganito."

Naintindihan naman daw ni Ara si Manny kung hindi siya naipagtanggol ng boksingero nung nakalipas na linggo dahil nagtungo ito sa U.S. para sa isang laban.



"I hope kung matapos lahat ng commitments niya, sabi niya, asikasuhin niya yung movie. Sana asikasuhin din niya yung sa akin para tumigil na yung press. Nasasaktan ako kasi nasaktan din ang Mommy ko sa mga naglabasan. Pero hindi ako galit kay Manny or kay Jinky. Gusto ko lang matapos ito," asam ni Ara bilang panghuli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN