Manny Pacquiao talks about next boxing fights and acting career

IMAGE 0


"Twenty-eight years old ako ngayon. Kaya ko pa naman pero kung sasabihin ni Jinky na tumigil na ako ngayon, pag-uusapan namin," says Manny Pacquiao about his boxing career.



Dalawang malalaking boksingero ang naghahamon ngayon sa Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao para makalaban nila sa boxing ring. Isa rito ang undefeated champion ng WBO super featherweight division from the Dominican Republic na si Joan Guzman. Ang pangalawa ay ang WBA super featherweight division from Venezuela na si Edwin Valero.


Nakarating na kay Manny ang mga hamon na ito ng dalawang boksingero at sinabi nito na kaya niya silang labanan, depende sa magiging usapan ng mga agents nila.



"Lagi naman akong handa. Kung maayos ang pakikipag-usap nila ay magagawan natin ng paraan ‘yan. At saka if the price is right!" sabay tawa ni Manny sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ng kanyang anak na si Princess noong October 12 sa Renaissance Hotel.

Ayon kay Manny, nakatakda siyang humarap sa boxing ring ng tatlong beses sa susunod na taon. Ibinigay niya ang kanyang schedule sa mga buwan ng March, July, at November.



Sa naging grand welcome ni Manny noong October 11 sa GMA Network Center, kung saan isa na siyang certified Kapuso, nabanggit niya ang gagawing mga shows sa GMA-7—isang reality show at isang sitcom. Pinag-uusapan pa raw ang mga gagawin niyang shows, pero this November ay may isa nang ilu-launch.



"Excited po ako kasi magkakaroon na tayo ng sarili kong show, at natutuwa ako sa magandang suporta ng mga Kapuso natin. Kaya abangan nila kasi maganda ang magiging shows ko rito. Abangan din nila ang guestings ko sa iba't ibang programa sa GMA-7," sabi ni Manny, na may grand welcome din sa SOP ngayong tanghali.



Uuwi ng General Santos City si Manny para mag-enroll sa isang 20-day special course for business administration. Nais raw ituloy ito ni Manny sa kursong Law dahil may plano pa rin siyang pumasok sa politics, sa kabila ng pagkatalo niya noong huling eleksyon nang tumakbo siyang congressman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko naman itinatago ‘yon, e," sabi ni Manny. "Gusto ko pa ring subukan ang politics. Wala namang masama. Gusto ko lang maglingkod nang tapat sa mga kababayan ko sa GenSan.



"Kung hindi ko pa matuloy ng Law, puwede ko pa naman gamitin yung kurso ko sa mga negosyo na itinayo namin ng misis ko [Jinky Pacquiao]. Marami pa akong gustong malaman sa negosyo at gusto ko alam ko ang mga nangyayari," paliwanag ng Pambansang Kamao.



Gusto raw ni Jinky na in three years ay tapusin na ni Manny ang pagbu-boxing. Tama na raw yung magnegosyo na lang sila dahil hindi nawawala ang kaba sa dibdib ni Jinky tuwing humaharap sa ring ang asawa.



"Yun naman talaga ang plano namin. In three years ay medyo hihinay na ako. Twenty-eight years old ako ngayon. Kaya ko pa naman pero kung sasabihin ni Jinky na tumigil na ako ngayon, pag-uusapan namin," pagtatapos ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN